in

France: Handang tanggihan ang mga imigrante mula Italya

Minister Guèant: Hindi maaaring manatili dito ang walang kakayahang ekonomikal. Ang Italya ang responsabile sa kanila”

ROME, 8 Apr 2011 – Ang Paris ay hindi tatanggap ng mga Tunisiano mula sa Italya.

alt"Ang France ay hindi sang-ayon sa pagpasok ng mga imigrante," ito ang mga pangungusap ngayon sa isang pakikipanayam ni Interior Minister Claude Guéant. Ang mga imigrante na darating mula sa Italya, ay babantayang mabuti at kung hindi magkaroon ng mapagkukunan upang manatili sa aming bansa, tulad ng itinakda ng Schengen Convention, ay pababalikin sa Italya. Ito ay ang unang bansa na responsabile sa mga dayuhan na duma rating doon. "

Guéant ay naglabas nà ng mga tagubilin sa mga prefect sa gagawing mga kontrol sa mga imigrante. Upang manatili sa Pransya, ay dapat na: magkaroon ng isang balidong pasaporte na kinikilala ng Pransya, magkaroon ng isang balidong permit to stay, may sapat na kakayahan upang manatili (nasasaad na 62 € bawat tao sa isang araw), at hindi maghahasik ng takot at pangamba sa publiko, at hindi pumasok sa France sa higit sa tatlong buwan.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CHARICE, may second movie project!

Temporary permit to stay: Inaprubahan ni Berlusconi