Ang reporma ay inilatag kamakailan ng gobyerno upang putulin ang immigration bureaucracy. Ang Ministry of Interior: “Ang mga bansang nagsasara sa imigrasyon ay nakalaang bumagsak”.
Paris- Hulyo 24, 2014 – Mas mahaba ang validity ng mga permit to stay, isang super permit naman para sa mga magagaling at isang makabuluhang pagbabawas sa panahon ng paghihintay sa kasagutan para sa mga asylum seekers. Ito ang ilan lamang sa mga pagbabago sa reporma ng imigrasyon at asylum na inilatag kahapon ng gobyerno ng France.
Ayon sateksto, sa sinumang nagkaroon ng permit to stay ng isang taon at nag-aplay ng renewal ay maaaring magkaroon ng renewed permit na balido mula 2 hanggang 4 na taon. Ito ay inaasahang magiging sanhi ng mas mababang bilang sa renewal ng nabanggit na dokumento at magpapadali ring maubos sa mga naka-pending.
Inaasahan rin ang pagkakaroon ng bagong dokumento na balido ng 4 na taon, ang ‘talent passport’, bilang kapalit ng ilang uri ng mga permit to stay na ibinibigay sa mga higit na kwalipikadong mga imigrante tulad ng researchers at engineers. Ang proseso ng pagkuha ng ito ay magiging mas madali at mas mabilis.
Para naman sa mga asylum, ay inaasahan ang pagpapadali mula sa 2 taon sa 9 na buwan ang panahon ng proseso ng mga aplikasyon. Sa huling 7 taon ay nadoble ang mga aplikasyon at umabot sa taong 2013 sa bilang na 66,000.
"Ang France ay dapat na manatili bilang isang bansa ng imigrasyon at ng asylum. Ang mga bansa na nagsasara sa imigrasyon ay isinasara ang kanilang mga sarili – ayon kay Minister of Interior Bernard Cazaneuve – at nakalaang bumagsak”.