in

FUTURO E LIBERTA’: Isang laban para sa second generation.

CITIZENSHIP walang tutol na tinalakay at inaprubahan sa isang National Assembly ng partido sa Roma.

FUTURO E LIBERTA’, ang partido na pinamumunuan ni Gianfranco Fini, ay nangako ng pakikipag-laban sa Parlyamento upang mabigyan ng citizenship ang mga anak ng imigrante. Tinatayang halos may isang milyong mga bata ang ipinanganak o lumaki sa Italy subalit sa kasalukuyang batas sa Italya ay nasasad na sila’y mga dayuhan.

Ang tema ay mga bagong agenda at kahapon ay inaprubahan ng partido sa isang National Assembly sa Roma.

“Ang Assembly ay walang tutol na inaprubahan ang isang mosyon na ang lahat sa amin ay haharap sa malaking laban upang igawad ang citizenship sa lahat ng second-generation” paghahayag ni Fabio Granata. “Ang mga bata na ipinanganak sa Italya na nagmamahal sa aming bansa – dagdag pa ng representante – ay maaaring maging bahagi ng mahahalagang kontribusyon upang malampasan ang patuloy na paglugmok ng bansa “.

Si Grenada ay pumirma, kasama sina Andrea Sarubbi ng Democratic Party, sa isang reporma ng mga panukala na kikilala sa citizenship sa ikalawang henerasyon at magbabawas ng panahon ng approval ng citizenship para naman sa mga matatanda. Ang teksto, gayunpaman, ay nasa House of Representative, sa Constitutional Affairs Committee, kasama ng labing apat na iba pang bills sa parehong paksa.

Noong nakaraang Hulyo, ang Commission ay hiniling na marinig ang Ministro Roberto Maroni ng Ministry of Interior, para linawin ang burukratikong pamamaraan at pati panahon sa pagbibigay ng citizenship. Ang ministro ng Lega Nord, ay walang lihim na tinatanggihan ang mga susog sa kasalukuyang batas, kaya’t hanggang sa kasalukuyan ay di siya tumutugon at mula noon ay hindi pa inilalabas ang tema tungkol sa reporma sa Montecitorio.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

THOUSANDS FLOCKED TO AMBROSIAN CARNIVAL CELEB!

BONUS BEBE’ PINALITAN!