in

Gabay mula sa Ministry of Education – Linee guida per accoglienza e integrazione

Ang indikasyon ng Ministry of Education, ang conflict sa pagitan ng “academic division” at pagtuturo ng italian language. 830,000 ang mga non-italian students sa mga paaralan, “isang okasyon para sa pagbabago ng lahat ng mga paaralan”.

Roma, Marso 3, 2014 – Halos matatagpuan ang buong mundo na dumating sa mga paaralan sa Italya, at ngayon na ang mga non-italian students ay 830,000, ay narito ang bagong acceptance and integration guidelines.

Ito ay nakalaan sa mga principals, professors at mga magulang na pinirmahan ni Minister of Education Maria Chiara Carrozza kung saan binigyang diin na ang mga mag-aaral na dayuhan ay “isang okasyon para sa pagbabago ng lahat ng mga paaralan”. Nakatutok sa intercultural education, na iniiwasan ang kaisipan ng pagiging katulad o kapareho gayun din ang pamumuhay sa loob lamang ng komunidad”, at naka-sentro sa diyalogo at mutual identification and improvement.

Ang katotohanan sa loob ng 10 taon ay nakita ang pagtaas sa bilang ng mga banyagang mag-aaral mula 100,000 sa higit na 800,000, isang pagtaas ng 60,000 – 70,000 sa isang taon ngunit unti-unting bumabagal sa ngayon. Isang populasyon na nagbago, may regular na pagdami ng mga ipinanganak sa Italya, kasabay ng pagbaba sa bilang ng mga bagong dating, dalawang magkalihis na katotohanan ukol sa dayuhang mag-aaral na may magkaibang pangangailangan.

Kabilang sa mga pangunahing nilalaman, ay ang pagdami ng mga dayuhang mag-aaral sa high school (media at superiore), kung saan ang mga ipinanganak sa Italya ay nananatiling mas kakaunti. Dito ay matatagpuan ang higit na problema, ang pagiging repeater o ang drop-out. Makikita rin ang “academic division”, kung saan ang mga kabataang dayuhan ay karaniwang matatagpuan sa mga vocational school (istituti tecnici at professionali), at ang kolehiyo sa mga Italians. Desisyon na para sa Ministry ay tila “dahil sa socio-economic situation at dahil sa bokasyon ng mga mag-aaral” at kung saan kinakailangang mamagitan gamit ang angkop na gabay.

Harapin natin ngayon ang ikalawang henerasyon, at samakatwid ay ang batas sa citizenship. “Ito ay nagbibigay ng citizenship – ayon sa gabay– bilang isang malayong layunin para sa mga dumarating sa Italya, ngunit higit sa mga ipinanganak, lumaki at nag-aral sa Italya at kailangang maghintay ng ika-18 taong gulang upang maging ganap na italyano”. Lalong higit na nagiging mahalga ang pagiging dalubhasa sa konstitusyon, na magbibigay ng “mahahalagang aspeto bilang instrumento ng pagkamamamayan sa sinumang pipili ng permanenteng paninirahan sa Italya”.

Ang gabay, sa kabila ng hindi pagbabanggit ng 30% na presensya ng mga dayuhang mag-aaral na ipinatupad ng Gelmini circular, ay nagpupumilit sa pangangailangang iwasang pagsama-samahin ang mga mag-aaral na dayuhan sa isang paaralan o sa isang klase, na nagdulot ng “negatibong resulta, para sa mga tuntunin ng paaralan, ng indibidwal at sosyedad”. Paano? Sa pamamagitan ng pinag-samang aksyon na tumatawag sa mga paaralan para sa isang koordinasyon, kasama ang local entities, ang mga magulang, italians at non-italians at ilahad sa kanila ang hamon at ang positibong paglago” ng mga heterogeneous classes.

Bukod dito, ang paglahok at partisipasyon ng mga pamilya sa mga aktibidad sa paaralan ay mahalaga, sa panahon ng integrasyon ng mga dayuhang mag-aaral. Isang layunin na ayon sa Ministry ay makakamit sa tulong ng mga cultural mediators at interpreters, sa pamamagitan ng mga informative materials sa iba’tibang wika upang mapadali ang pagbabahagi ng mga karanasan at mga suhestyon sa loob ng mga asosasyon ng mga magulang.

Isa sa mga aspeto na binibigyang diin ng gabay ay ang pag-aaral ng wikang italyano bilang pangalawang wika lalo na sa high school. Ang mga banyagang mag-aaral na hindi marunong magsalita ng italyano, ayon sa Ministry, ay kailangang isama sa klase ng mga italians, kung saan tunay na matutunan ang wikang italyano at ang gamit nito”. Ngunit kinakailangan din ang mga angkop na linguistic laboratory.

"Ang malalim na karanasan ay nagsasabing nangangailangan ng panahon, instrumento, kalidad”, tulad ng isinulat ng Ministry, na iminumungkahi sa mga

bagong dating: “halos 8-10 oras per week na pag-aaral ng wikang italyano L2 (halos 2 oras araw-araw para sa 3-4 na buwan”. Sa mga intensive modules na ito ay maaaring mag-grupo ang mga mag-aaral ng iba’t ibang klase at maaaring ihanda sa tulong ng mga angkop na programa ng local entities”.

Sa pagtatapos ay kailangan ng isang kapitolo na nakalaan sa adult students, upang makahabol ang mga dayuhang young adults, kung saan maraming mga kabataang babae ang maagang iniiwan ang pag-aaral at nasa labas ng regular labor market, mababa ang pinag-aralan at di-sapat ang kaalaman sa wika. “kung kaya’t kinakailangan ang suportahan at palalimin ang mga karagdagang solusyon para sa pagtatapos, vocational courses, evening class upang magkaroon ng kwalipikasyon at kaalaman sa wikang italyano.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Cardinal Quevedo, nagmisa sa Filipino community

Pilat Sa Puso – Ikalawang bahagi