in

Gabay para sa Regularization – Ang Proseso

Unang una sa lahat ay ipinapayong suriing mabuti ang pagkakaroon ng lahat ng mga requirements na itinakda ng batas tulad ng: sahod, kawalan ng anumang kaso o convictions ng employer at ng worker, ang patunay ng pananatili sa Italya.

Kailan dapat isumite ng employer ang application

Ang aplikasyon ay dapat na ipadala sa pamamagitan ng Internet o online simula ng 8:00 ng umaga ng Setyembre 15 hanggang sa 12:00 ng hatinggabi ng Oktubre 15, 2012. Upang mai-padala ang aplikasyon, kailangang mag register sa website ng Ministry ng Interior, www.interno.gov.it, at I-fill up ang form na nakalaan para sa regularization. Hindi kailangang ang mag-unahan, dahil walang limitasyon sa bilang ng mga dapat pumasok na aplikasyon. Lahat ng mga na isumite na application, na nagtataglay ng mga requirements tulad ng itinakda ng batas, ay maaaring gawing regular ang trabaho at magkakaroon ng permit to stay ang manggagawa na tinanggap ng hindi regular.

Bago ipadala ang application

Unang una sa lahat ay ipinapayong suriing mabuti ang pagkakaroon ng lahat ng mga requirements na itinakda ng batas tulad ng: sahod, kawalan ng anumang kaso o convictions ng employer at ng worker, pananatili sa Italya bago sumapit ang Jan 1, 2012, nagsimula ang trabaho noong May 9. Kailangang bayaran (simula noong Sept 7 hanggang October 15) ang kontribusyon ng 1,000 euros bawat worker gamit ang f24 con elementi identificativi.

Pagpapadala ng application

Ipadala ang application online taglay ang lahat ng mga impormasyon na kinakailangan, ng employer at ng worker, address na tutuluyan ng worker, antas at uri ng trabaho, ang mga datas ng pinagbayarang f24 at ang bilang ng duty stamp ng € 14.62.

Pagkatapos ipadala ang application

Ang mga employer, pagkatapos ng pagsusumite ng application, ay dapat kumpletuhin ang proseso sa pamamagitan ng pagre-report ng trabaho sa tanggapan ng social security  (Uniemens, DMAG) at gayun din ang magbayad ng monthly salary.

Hanggang 16 Nobyembre 2012, ang mga employer na humiling ng regularization ng mga empleyado o mga farmer (hindi kasama ang mga employer ng domestic workers) ay dapat bayaran ang mga buwis tulad ng INPS, addizionali municipali e comunali at iba pa, na kinalkula base sa mga sahod buwan buwan, para sa anim na buwan upang mabayaran ang mga buwan mula Mayo hanggang Oktubre. Kahit ang mga employer ng domestic jobs ay dapat bayaran ang kontribusyon sa Inps sa panahong nabanggit, gamit ang form MAV na ipapadala naman ng tanggapan ng Inps. Matatapos ang proseso sa pamamagitan ng isang tawag o convocazione sa employer at worker mula sa Sportello Unico per l’immigrazione (matapos ang positive opinion mula sa Questura, Direzione Territoriale del lavoro o ex DPL) na syang magsusuri ng lahat ng mga dokumento. Kapag tinawag ang employer at ang worker ay lalagdaan ang contratta di soggiorno at gagawin rin ng tanggapan ang comunicazione di assunzione sa Inps o sa Centro per l’impiego. Sa worker ay ibibigay ang form 209 para sa aplikasyon ng permit to stay per lavoro na ipapadala sa pamamagitan ng post office sa Questura na kinabibiangan.  

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regolarizazzione:Pubblicato il decreto attuativo

MALAWAKANG KAMPANYA NG POLO – ROMA SA UMID CARD PUSPUSAN