in

Gay marriage, indikasyon mula Interior para sa carta di soggiorno

Matapos ang ilang kaso sa buong Italya, ay nagpalabas ng indikasyon sa mga Questure. Ang sinumang napangasawa ng isang Italyano sa ibang bansa ay kikilalaning miyembro ng kanyang pamilya.

Roma – Nob 8, 2012 – Ang mga dayuhang mamamayan na ikinasal sa pamamagitan ng gay marriage sa mga Italians ay mayroong karapatan upang maging carta di soggiorno holder sa Italya dahil itinuturing na miyembro ito ng pamilya. Matapos ang ilang ganitong kaso sa Italya, ang Ministry of Interior ay nagpalabas ng mga indikasyon sa mga Questure.

Ang humingi ng klaripikasyon ay ang Immigration Office ng Florence at ng Pordenone, para sa dalawang dayuhang mayroong gay marriage contract sa Spain sa dalawang Italians. Ang kasagutan ay dumating ilang araw ang nakakalipas mula kay prefect  Rodolfo Ronconi, ang direktor ng Immigration main office at ng border police.

Ayon kay Ronconi ang batas sa Italya ay hindi kinikilala ang gay marriage, ngunit kailangang sundin ang hatol ng hukuman na sumagot sa mga katanungan. Noong nakaraang Pebrero, paalala pa nito, ang korte ng Reggio Emilia “ay kinumpirma ang  applicability ng batas – (D.Lgs. 30/2007), at isinaalang-alang ang katayuan hindi bilang kabiyak ang aplikante, na hindi kinikilala ng batas sa Italya, kundi bilang miyembro ng pamilya, na mahalaga upang matanggap ang carta di soggiorno”.

Ang desisyon ay ang paunang salita ng hatol ng Cassazione 1328/2011, kung saan ang konsepto ng "asawa" ay dapat husgahan batay sa batas ng bansa kung saan naganap ang kasal. Dahil dito, “ang dayuhan na mayroong gay marriage contract sa Spain sa isang EU national  ay dapat ituring na miyembro ng pamilya para sa karapatang manatili sa Italya”.

Bilang pagtatapos, ay ginawang halimbawa ni Ronconi ang hatol ng constitutional court (138/2010). Ito ay nagpapahayag na ang gay marriage bilang “isang pagsasama sa pagitan ng dalawang tao na pareho ang kasarian”, ay nagbibigay daan “sa pangunahing karapatan upang mamuhay nang malaya ang dalawa” at ang “karapatan ng family reunification sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa pagsasama-sama ng pamilya bilang pangunahing karapatan ng isang tao”.

Circular

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga unang appoinments ng regularization, sinimulan na

DOH, pinagbabawal ang fetus sa stem cell therapy