“Maganda ang kasunduan sa health assistance, ngayon ay ang pagpapatuapd nito sa lahat ng Rehiyon. Sa bansa ay malalà ang hindi pantay na pagbibigay ng serbisyo at ang impormasyon ay mahina pa”
Roma, Enero 25, 2013 – “Sa kasunduan ay nasasaad ang mga tunay na bagong pagbabago. Sa unang unang pagkakataon, ay itinalaga ang iisang libelo ng interpretasyon na dapat gawing sangguni ng lahat ng mga Rehiyon. Para sa ilan, ay ipinatutupad na ito, ngunit sa ibang Rehiyon naman ay hindi at samakatwid ay kailangang maibigay ang mga serbisyo kung saan, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ito ipinagkakaloob. Ang susi sa pagkakataong ito ay ang ‘inclusion’, ang pagsumikapang tanggapin ang lahat sa health system.
Sa likod ng mga “Indikasyon para sa tamang aplikasyon ng batas ng health assistance sa mga dayuhan” (o Indicazioni per la corretta applicazione della normativa per l’assistenza sanitaria alla popolazione straniera) ay matatagpuan si Salvatore Geraci, ang duktor at health responsabile ng Caritas at coordinator ng Gruppi Immigrazione e Salute della Società Italiana di Medicina delle Migrazioni. Ang SIMM ay kabilang sa gumawa ng first draft ng panukalang batas kasama ang mga Rehiyon at sa mga sususnod na buwan, ay ang GrIS sa pagpapatupad naman nito.
Ano ang mahalagang pagbabago?
Marahil ay ang pagkakaroon ng karapatan ng mga minors kahit saan, ng hindi titingnan ang pagiging regular sa premit to stay, ang pagpapatala sa SSN at ang pagkakaroon ng pediatrician. Isang bagay na nasasaad lamang sa patakaran ng Puglia ngunit hindi pa naipapatupad, sa Tuscany at Umbria Region. Scientifically, pinatutunayan na ang mga anak ng mga undocumented ay nako-confine sa malubhang kundisyon, dahil sa kakulangan ng pediatrician sa kabila ng International convention ukol sa kaparatan ng mga minors.
Samakatwid, ay ang pagkakaiba o hindi pagkaka-pantay sa pagbibigay ng health assistance sa mga imigrante?
Malaking pagkakaiba, tulad ng ipinapakita ng isang pag-aaral ng Caritas, sa pakikipagtulungan ng SIMM. Isang halimbawa, sa Puglia ay maaaring magkaroon ng family doctor ang mga undocumented. Sa Lumbardy Region ay hindi man lamang aktibo ang mga klinika ng first aid at samakatwid, kung walang private social structures tulad ng Opera San Franceso o ng Naga, ang mga walang permit to stay na sasama ang pakiramdam o may karamdaman ay hindi maaaring magtungo sa Emergency.
Ano ang posisyon ng Italya sa International system?
Theorically, ang Italya ay masasabing nauuna, mayroong sistema ang ating bansa na maituturing na isa sa mayroong pinaka mahusay sa buong mundo. Ito ay dahil sa ating Konstitusyon, kung saan nasasaad ang pagbibigay ng health asisitance sa lahat ng tao, hindi lamang sa ating mga mamamayan, tulad ng nangyayari sa maraming mga bansa. Ang batas ukol sa mga dayuhan, salamat sa mga indikasyon ng sosyedad, ng mga volunteers at ng mga public operators ay nababantayan simula noong 1995. Naiiba naman ang para sa mga EU nationals na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin sa parehong libelo.
Bakit?
Dahil ang sinusunod ay ang batas ng Europa at samakatwid ay sumusunod sa mas mababang standard kumpara sa batas ng Italya para sa mga imigrante. Ngayon ang Estado at ang mga Regions ay binubura ang sitwasyong ito, sa pagbibigay, halimbawa ng free assistance sa mga EU nationals na walang health insurance coverage sa Italya at sila ay nangangailangan nito, tulad ng kasalukuyang serbisyo ng STP o Stranieri Temporaneamente Presenti.
Ano ang dapat pang pagbutihin?
Ang ating sistema ay patuloy sa malalang hindi pantay na pagbibigay ng serbisyo, hindi lamang sa mga dayuhan ngunit ito ay sumasaklaw sa lahat ng mga itinuturing na socially weak. Maaaring baguhin ang batas, ngunit higit sa lahat malaki ang maitutulong ng formation ng mga operators at kailangang gumawa ng tunay na kolaborasyon sa pagitan ng publiko, volunteers at sosyedad na ginagawang mas epektibo at tunay na bukas sa lahat ang serbisyo.
Ang mga imigrante, alam ba nila ang kanilang karapatan upang makatanggap ng health assitance?
Ang impormasyon ay nananatiling mahina. Kamakailan ay nakatanggap kami ng isang tawag buhat sa isang Pilipina na natatakot magtungo ng ospital. Isang Pilipinang mahirap at nangangailangan ngunit walang permit to stay at pinaniniwalaang hindi makakatanggap ng health assistance at kinatatakutan din ang expulsion. Kailangang ipaalam sa lahat ng mga imigrante na karaniwang hindi bihasa sa wikang italyano at kakulangan ng kaalaman sa batas ng imigrasyon sa Italya, tulad din ng ginagawa ng mga operators, na maaaring paniwalaan ang mga maling akala.