in

Giovanardi nababahala: Kung magpapatuloy ang sitwasyon, mas maraming migrante kaysa Italyano

Ang Kalihim sa paksa ng natal rate at pagtanda ng popolasyon: “Hindi ito magiging problema, ngunit kung hindi tayo, sino?”

altRome –  Ang Kalihim sa Pamilya na si Carlo Giovanardi ay nababahala. Ang mga Italians ay patuloy sa pagtanda at hindi na nag-aanak, at nanganganib sa pagiging isang minorya sa bansang patuloy na umaakit sa higit pang migrante.

Dinala ng Kalihim sa Konseho ng mga Ministro ang draft ng kanyang “Pagpaplano para sa Pagkakaroon ng pamilya,” isang serye ng mga panukala, kasama ang buwis, na maaaring magpagaan sa pagpapamilya o pagkakaroon ng anak sa Italya. Ito ay naghahangad na harapin ang binigyang diin ng Kalihim, “hindi isang problema sa halip ay “ang” ating bansa sa hinaharap”.

Kung hindi haharapin ang problemang ito, ay mababaligtad ang sitwasyon sa pagitan ng Italians at hindi. “Sa natal rate, pagtanda ng populasyon at migrasyon, sa pagsapit ng taong 2050, sa nalalapit na panahon, tayong mga Italians sa Italya ay maaaring maging minority sa ating sariling bansa ,” isang paghuhula ng Kalihim.

“Ito – ayon kay Giovanardi – ay hindi isang mabigat na sitwasyon. Sa kabutihang palad, ang mga migrante ay dumadating mula sa lahat ng dako ng mundo upang takpan ang mga puwang sa ating natal rate, ang sa palagay ko lamang na tanging malubhang problema ay kung wala na tayong mga italians, paano na ang integrasyon ng mga migrante. “

“Ang proseso ng integrasyon ng mga migrante – ayon pa sa Kalihim- ay magiging problema kung ang Italya ay mabibigong makalapit man lamang sa bilang ng natal rate ng isa sa mga bansa sa mundo.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Direct Hire: Iba ang employer na paglilingkuran sa nagsumite ng aplikasyon? WALANG PERMIT TO STAY…

Prato, hinihiling ang pagpapahinto ng pagpasok at pagdami ng mga migrante.