in

Gobyerno, inaprubahan ang bagong alituntunin para sa mga interpreters at translators

Mas madaling nomination, free assistance, oral summary, distance interpretation, national list. Narito ang mga pagbabagong hatid ng dekreto na inaprubahan ng Council of Ministers. 

 

Hulyo 15, 2016 – Pagbabago sa batas para sa mga interpreters at translators na tumtutulong sa mga mamamayang dayuhan na nasasangkot sa mga criminal case. 

Isang legislative decree ang inaprubahan noong Hunyo ng Council of Ministers na nagsasaad ng pinasimpleng proseso para sa nomination at bagong alituntunin ukol sa free assistance. Pinamamahalaan ng bagong batas ang mga kasong may pahintulot buhat sa akusado, ay maaaring magkaroon ng translated oral summary ng mga paglilitis. 

Sisimulan din ang paggamit ng mga distance interpreters, sa pamamagitan ng videoconference, gamit ang telepono o internet. Sa Ministry of Justice, ay magkakaroon ng national list ng mga interpreters at translators na nakatala sa isang rehistro o albo ng lahat ng hukom o tribunali sa buong bansa. 

Narito kung paano sa press release ng Council of Ministers ay nasasad ang nilalaman ng inaprubahang legislative decree: 

Ang Council of Ministers, batay sa panukala ni Prime Minister Matteo Renzi at Minister of Justice Andrea Orlando, ay inaprubahan, sa huling pagsusuri, ang legislative decree na nagtataglay ng karagdagan at susog sa nilalaman ng legislative decree March 4, 2014 bilang 32, at implementing rules noong 2010/64EU ukol sa karapatan sa interpretation at translation ng penal case”

Partikular, ang panukala ay naglalayong gawing mas madali ang patakaran sa pagtatalaga ng interpreter at translator o conferimento, sa pamamagitan ng mas pinadaling obligasyon na magpapahintulot sa mas mababang gastusin sa pagbibiyahe. Partikular, nasasaad, sa mga kaso kung saan ang interpreters at translators ay naninirahan sa lugar na sakop ng ibang hukuman, ang hukom ay maaaring humiling sa hukom ng preliminary investigations na magpatuloy (rogatoria) sa pagkilala, pagbibigay abiso at ng tungkulin (conferimento d’incarico).  

Magkakaroon din ng implementing rules para sa karapatan sa pakikipanayam kasama ang tagapagtanggol sa free assistance ng interpreter na babayaran ng estado. Ang akusado ay may karapatan sa isang panayam lamang maliban na lamang sa pagkakaroon ng mga partikular na pagkakataon para sa karapatang ipagtanggol ang sarili. Sa kasong ang akusado o pinaghihinalaan ay walang sapat na mapagkukunang pinansyal, ang gastusin para sa interpreters at translators ay nananatiling sagot ng estado. 

Bukod dito ay nasasaad din na sa mga urgent situation (hal, urgent na pagsusuri dahil sa panganib sa buhay ng testigo), sa kawalan ng obligadong written translation bilang dokumento, ang hukuman ay dapat magkaroon ng oral translation kahit na buod lamang bilang dokumento o minutes, dahil sa makatwirang dahilan, kung ito ay hindi makakapinsala sa karapatan ng pagtatanggol sa sarili . 

Bilang karagdagan, ang oral translation, kahit buod, ng parehong kaso, ay maaaring maging kahalili ng written translation sa lahat ng pagkakataon kung saan ang akusado ay tinatanggihan ang written translation, basta’t alam lamang ang posibleng resulta ng pagtangging ito, kahit pa kinonsulta ang tagapagtanggol.  

Bilang pagtatapos ay sisimulan din ang paggamit ng mga insrumento ng komukasyon tulad ng vidoe conference, telefono o internet upang magarantiya ang tulong ng interpreter. 

At ang Ministry of Justice ay magkakaroon ng albo o listahan ng mga interpreters at translators ng bawat hukuman. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

LUMAD Cultural Show, matagumpay na naidaos sa Roma, Italya

3 Pinoy, sangkot sa ‘bukas-kotse gang’