Hindi ayon sa batas, ayon sa Court of Justice noong Setpembre 2, ang buwis o kontribusyon ng mga permit to stay. Walang pagbabago at nananatiling binabayaran ang mula 80 hanggang 200 euros ng mga imigrante.
Roma, Marso 2, 2016 – Nananatiling tahimik ang gobyerno sa kabila ng hatol na hindi ayon sa panuntunan ng Europa ang buwis o kontribusyon sa mga permit to stay. Ito ay “hindi proporsyon” at isang “balakid” sa mga karapatan ng mga imigrante. Bukod pa sa isang mabigat na buwis, na dapat masuri.
Ito ay ayon sa European Court of Justice anim na buwan ang nakakalipas. Walang batayan ang sapilitang ipinababayad na 80, 100 o 200 euros sa mga dayuhan sa releasing ng kanilang mga permit to stay upang matugunan ang mga gastusin ng bansa. Ang kalahati ng halagang ito ay ginagamit sa repatriation ng mga irregulars at malinaw na hindi ito para sa ikabubuti ng mga regular na imigrante.
Mula ng lumabas ang hatol noong Setyembre 2, ay nananatiling walang pagbabago. Ang sinumang nag-aaplay o nagre-renew ng mga permit to stay ay nananatiling kailangang magbayad ng 80, 100 o 200 euros batay sa uri ng dokumentong kailangan. Bukod dito ay idadagdag pa rin ang higit sa 70 euros para sa releasing ng electronic permit to stay, revenue stamp at bayad sa serbisyo ng postal office.
Matapos ang paglabas ng hatol ay inaasahan ang pagkilos ng gobyerno ni Renzi upang maibalik sa mga dayuhan ang labis na kabayaran na sinimulan noong 2009. Ngunit anim na buwan na ang nakakalipas at tila bingi ang gobyerno at naghihintay pa ng pagkilos ng TAR Lazio matapos ang hatol ng Court of Justice dahil sa reklamo na isinampa ng Inca CGIL.
Samantala, kumilos na rin ng Parliamento at hiningan si Renzi at ang kanyang mga kasama na gumawa ng isang hakbang.
Noong nakaraang Disyembre 19 sa House, habang inaaprubahan ang stability law, ay tinanggap ng gobyerno ang isang ‘ordine del giorno’ na isinulong ni PD deputy Giuseppe Guerini, kung saan hinihingi kay Renzi ang “isang pagsusuri sa umiiral ba batas, para sa isang aksyon batay sa tamang pagpapatupad sa hatol ng Court of Justice”. Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay tila ang sinusuri ay kung dapat nga ba itong suriin?
Nitong Pebrero 11, isa na namang PD deputy, Marilena Fabbri, ang sinubukan sa pamamagitan ng ‘interrogation’ kay Interior Minister Angelino Alfano na tanungin kung “isinasaalang-alang na mahalaga ang pagbabago sa umiiral na batas para sa tamang pagpapatupad ng hatol ng Court of Justice”. Ang kasagutan ni Alfano: Wala pa rin at hanggang sa kasalukuyan ay binabayaran ang buwis o kontribusyon sa releasing at mga renewal ng mga permit to stay ng mga dayuhan.