Itinakda ng Inps ang halaga ng assegno sociale para sa taong 2017. Ito ay mahalaga rin para sa mga dayuhang naninirahan sa Italya.
Enero 20, 2017 – Walang pagbabago kahit sa taong 2017! Ang halaga ng assegno sociale ay nananatiling 5824.91 euros, katulad noong nakaraang taon.
Ang halagang nabanggit, (katumbas ng 448.07 euros kada para sa 13 buwan) ay itinalaga kahapon ng Inps sa pamamagitan ng isang circular. Ito ay katulad noong nakaraang taon at walang anumang pagbabago dahil sa hindi rin pagbabago ng cost of living.
Ang pagtatakda ng halaga ng assegno sociale taun-taon ay inaabangan rin ng mga dayuhan bukod pa ng mga matatandang Italyano. Narito kung bakit.
Basahin rin:
Assegno sociale, ano ito at ang halaga nito sa mga dayuhan