in

Halaga ng family allowance simula July 1, katulad noong nakaraang taon

Ang halagang ipatutupad simula July 1 hanggang June 30, 2017 ay nanatiling katulad noong nakaraang taon. Ang benepisyo ay nakalaan din sa mga non-EU nationals. 

 

Roma, Hunyo 30, 2016 – Taun-taon ay ina-update ng Inps ang assegni familiari batay sa pagbabago ng cost of living. Ngunit ngayong taon ay nanatiling tulad noong nakaraang taon ang halaga ng benepisyo dahil sa krisis sa ekonomiya.

Narito ang batayang halaga ng sahod at ang angkop na halaga ng benepisyo. 

Ang family allowance o assegni familiari ay isang tulong pinansyal bilang ‘sostegno al reddito’ na nakalaan sa lahat, anuman ang nasyunalidad, empleyado man o colf. Ang halaga nito ay nagbabago batay sa halaga ng sahod at bilang ng miyembro ng pamilya.

Ang mga empleyado ay isinusumite ang aplikasyon sa employer na nagbibigay ng benepisyo (para sa Inps) kasabay ng sahod. Samantala ang mga colf, babysitters at caregivers naman ay kailangang direktang mag-aplay nito sa Inps na syang magbibigay naman ng benepisyo. 

 

Inps. Circolare n. 92 del 2016. Corresponsione dell’assegno per il nucleo familiare. Nuovi livelli reddituali per il periodo 1° luglio 2016 -30 giugno 2017.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

3-child policy, isusulong ni Rodrigo Duterte

Natanggap ang rejection advance notice, ano ang dapat gawin?