Ang mga bagong amount ay gagamitin sa lahat ng pagbabayad ng kontribusyon ngayong taong ito. Narito ang table.
Roma – Pebrero 4, 2014 – Inilathala kamakailan ng INPS ang mga bagong amount ng kontribusyon para sa taong 2014 para sa domestic job. Ito ay buong babayaran ng mga employers, na maaaring kunin naman sa sahod ang halagang para naman sa mga workers.
Ang mga bagong amount ay gagamitin simula Abril upang kalkulahin ang first quarter payment ng 2014. At maging sa lalong madaling panahon, kung matatapos ang hiring at kailangang bayaran ang pinagdaanang panahon ng employer hanggang sa pagre-resign o pagtatanggal sa trabaho.
Ang halaga ng kontribusyon ay nagbabago batay sa sahod. Para sa trabaho na higit sa 24 hrs per week ang payment ay mas convenient. Bukod dito, para sa mga mayroong kontrata na tempo determinato, ang halaga ng kontribusyon ay mas mataas, maliban na lamang kung ito ay dahil sa substitution dahil sa bakasyon, sick leave at maternity leave.
Trabahong may kontrata na tempo indeterminato
kasama ang assegni familiari walang assegni familiari
Hanggang € 7,86 € 1,39 (0,35)* € 1,40 (0,35)**
Higit sa € 7,86
hanggang € 9,57 € 1,57 (0,39)* € 1,58 (0,39)**
Higit sa € 9,57 € 1,91 (0,48)* € 1,92 (0,48)**
Higit sa 24hrs per wk*** € 1,01 (0,25)* € 1,02 (0,25)**
Trabahong may kontrata na tempo determinato (except substitution)
kasama ang assegni familiari walang assegni familiari
Hanggang € 7,86 € 1,49 (0,35)* € 1,50 (0,35)**
Higit sa € 7,86
hanggang € 9,57 € 1,68 (0,39)* € 1,69 (0,39)**
Higit sa € 9,57 € 2,04 (0,48)* € 2,06 (0,48)**
Higit sa 24hrs per wk*** € 1,08 (0,25)* € 1,09 (0,25)**
• Ang halaga sa parethesis ay ang halagang dapat bayaran ng worker.
Paalala: Bukod sa kontribusyon ng Inps, ang employer ay kailangang bayaran rin ang Contributo di assistenza contrattuale (Codice F2) per l'accesso alle prestazioni della Cas.sa Colf. Ang halaga para sa taong 2014, para sa mga may kontrata na tempo determinato at tempo indeterminato, ay 0,03 (di cui € 0,01 sagot ng worker) bawat oras
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]