Walang anumang pagbabago, katulad pa rin noong nakaraang taon, dahil ang cost of living ay hindi tumaas. Ito ay kakailanganin sa pagbabayad ng quarterly contributions sa Abril at kung sakaling magtatapos ang 'rapporto di lavoro'.
Rome – Enero 28, 2015 – Ang paghinto ng ekonomiya ng bansa ay nagdulot ng bahagyang positibong epekto sa mga employer ng domestic job.
Pina-alalahanan ang INPS o ang tanggapang nagsasagawa ng updates ukol sa halaga ng kontribusyon para sa taong 2015. Bilang tugon, ito ay nagpasyang mananatiling hindi nagbabago ang mga halaga nito, tulad noong 2014. Ito ay isang obligadong aksyon dahil sa huling nakaraang dalawang taon, ang indicator ng presyo sa konsumo, na pamantayang ginagamit sa paga-update ay tumaas lamang ng 0,2%.
"Walang anumang karagdagang pabigat para sa mga pamilyang mayroong colf, caregiver o babysitter”, ayon sa Assindatcolf, o ang asosasyon ng mga domestic employers. “Tiyak na ito ay isang magandang balita para sa mga taong nagsa-sakripisyo upang matugunan ang lahat ng pangangailangan at mai-angkop ito sa trabaho”.
Ang mga halagang ito ay kakailanganin mula Abril 1-10 upang bayaran ang kontribusyon ng first quarter ng 2015. Ito ay kinakailangan din kung sakaling magtatapos ang page-empleyo o ang 'rapporto di lavoro' at samakatwid ay kailangang bayaran ang lahat ng kontribusyon hanggang sa panahon ng resignation o termination.
Upang matukoy ang halaga ng kontribusyon kada oras na trabaho, kailangan lamang tingnan sa table ng Inps sa itaas ang angkop na halaga ng kontribusyon batay sa sahod ng worker.
Ang unang tatlong hilera ay tumutukoy sa sahod batay sa oras ng trabaho hanggang 24 hrs per week at ang angkop na halaga ng kontribusyon kada oras.
Ang ikaapat naman ay tumutukoy sa trabaho mula 25 hrs per week, kung saan ang halaga ng konrtibusyon ay pare-pareho para sa lahat ng oras.
Kapag ang worker ay ang asawa ng employer o kamag-anak hanggang third degree at kapisan o nakatira sa employer, ang kontribusyon na isasa-alangalang ay ang senza CUAF.
Samantala, sa lahat ng ibang kaso, ay dapat isa-alang-alang ang contributivo comprensivo quota CUAF (Cassa Unica Assegni Famigliari).
Ang ‘a carico del lavoratore’ ay isang bahagi ng kontribusyon na binabayaran ng employer. Ayon sa batas, ang employer ay may karapatang alisin o kaltasin ang bahaging ito mula sa sahod ng worker. Ngunit, dahil sa mababang halaga nito ay bihirang kinakaltas ito ng mga employers.