Kumpirmado hanggang sa susunod na Hunyo ang halaga ng benepisyo na nakalaan rin sa mga manggagawang dayuhan. Narito ang Circular ng Inps.
Roma, Hunyo 1, 2016 – Lahat ay kumpirmado hanggang sa susunod na taon. Ang family allowance ay hindi nagbabago.
Inilathala kamakailan ang Circular “Corresponsione dell’assegno per il nucleo familiare. Nuovi livelli reddituali per il period 1 luglio 2016- 30 giugno 2017”. Ito ay angkop na halaga ng benepisyo batay sa itinalaga o pamantayang sahod kung saan isinasaalang-alang ang cost of living na ginagawa taun-taon.
Gayunpaman, sa kasalukuyan ay walang anumang pag-unlad o pagbabago sa ekonomiya tulad ng mga presyo ng bilihin. Dahil dito, paliwanag ng Inps “nanatiling katulad noong 2015 ang pamantayang sahod para sa taong 2016, pati na rin ang angkop na buwanang halaga ng benepisyo, na paiiralin simula July 1, 2016 hanggang June 30, 2017, sa iba’t ibang laki ng panilya. Narito ang mga detalye.
Ang family allowance ay isang tulong pinansyal o sostegno al reddito na nakalaan para sa mga Italians at mga dayuhan, na regular na nagtatrabaho, kabilang ang mga colf, ang mga tinatawag na ‘parasubordinati’ na nakatala sa gestione separate ng Inps o mga pensyonado. Ang halaga ay nag-iiba batay sa halaga ng sahod o sa laki ng pamilya.
Sa karamihan, ang aplikasyon ay isinusumite sa employer, na nagbibigay ng benepisyo kasama ng mga regular na sahod. Ang mga colf, babysitter at caregivers naman, tulad ng mga operai ay kailangang magsumite ng aplikasyon sa Inps na direktang magbibigay ng benepisyo.
Basahin rin:
Paano mag-aplay ng assegni familiari para sa mga colf?
Assegni familiari para sa mga anak sa ibang bansa, kinumpirma ng hukom