in

Halos 800,000 ang mga mag-aaral na dayuhan sa Italya

Ongini (Ministry of Education): "Bahagyang atensyon lamang ang ibinibigay sa pamilya, kahit pa ito ay pangunahing elemento”. Noong nakaraang taon, 44% ang mga mag-aaral na ipinanganak sa Italya ngunit walang Italian citizenship.

Roma – Setyembre 18, 2012 – Simula pa lamang ang school year at ang mga mag-aaral na dayuhan sa loob ng silid-aralan ay “halos 800,000”. Ito ay isang pagtatantya mula kay Vinicio Ongini, eksperto ng Ufficio integrazione ng mga dayuhang mag-aaral ng Ministry of Education at ang may-akda ng ilang libro para sa multicultural school.
"Ang kabuuang bilang – paliwanag ng ahensya ng Social editor – ay isang pagtatantya batay sa huling tatlong taon na naglalarawan ng isang mabagal na pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na mayroong Italian citizenship. Samantala, sa nakaraan ay nagkaroon ng isang pagtaas ng 60-70,000 ng mga dayuhang mag-aaral bawat taon, sa huling 3 taon ay umabot lamang ng hugit sa 40,000”.

Ang pagbagal, ayon pa sa eksperto, ay sanhi ng krisis sa ekonomiya. “Kung ang trend ay mananatili –  sa kasisimulang school year ay mayroong kabuuang bilang na halos 800,000. Bilang isang resulta, ang porsyento ng kabuuang bilang ng mga banyagang mag-aaral ay tumaas mula sa 8.4% sa halos 9%. "

"Ang mga pamilya, mga magulang – ayon pa kay Ongini – ay isang pangunahing elemento, co main character, kasama ng mga guro, mga administrador ng paaralan, mga lokal na awtoridad, ngunit sa katunayan ay bihirang tinatalakay at halos hindi nababanggit. At dahil dito, nakatuon para sa mga pamilya ang seminar na mayroong titolong “Insieme”, na gaganapin sa Ancona sa Sept 20 at 21.  

Samantala, ang Ministri ng Edukasyon ay inilabas ang mga numero noong nakaraang school year. Sa taong 2011/2012 ay 755,939 ang mga mag-aaral na walang Italian citizenship. Sa mga ito, 334,284 o ang 44.2%, ay ipinanganak sa Italya. Mula dito, ang pinakamataas na porsyentong naitala ay sa Lombardy at Veneto region, kung saan ang kalahati ng mga mag-aaral na "banyagang" (50.9%) ay ipinanganak sa Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Edmar, natagpuan na

France: Karapatang bumuto sa halalang lokal simula 2014