“Bigo ang modelong integrasyonng mga bansang UK at France.Bakit hindisubukanang isang Italian model?”
Roma, Mayo8, 2012–“Ang pangarap? Citizenshipparasamgadayuhangipinanganaksa Italyaatangpagbalik ngkooperasyon ng Italya.”
Ito ang mga inaasahan sa hinaharap ng Ministro ng International Cooperation and Integration, na si Andrea Riccardi sa isang panayam noong nakaraang linggo ni AlessandroBanfi ng Tgcom24.
Ayon sa ministro, sa tema ng integrasyon ay “bigo ang English at French model” at iminungkahing “bakit hindi subukan ang Italian model?”. Sa ating panahon – ayon pa sa ministro – ito ay ang pamumuhay ng sama-sama. Sa ngayon ay ating panauhin ang maraming mga Muslim at mga Orthodox. Ito ay isang bagong sitwasyon para sa atin at inuulit ko muli ang salitang integrasyon. Tayo ay hindi lumikha ng isang bagong komunidad na binubuo ng maraming relihiyon, wala tayo sa Lebanon, at tayo ay dapat mamuhay ng mapayapang magkakasama. Para sa mga Italians ay mahalaga ang relihiyon at ako, kasama si Napolitano ay bumisita sa mosque at kami ay nagsalita ukol sa integrasyon doon”.
Mahaba ang naging sagot ni MaurizioGasparri, Senate chairman ng PDL. “Riccardi -sinulat ng chairman – maging ministro sa iyong ministeryo a tiwasan ang walang saysay na pananalita ukol sa citizenship ng mga dayuhang ipinanganak sa Italya – na hindi ipagkakaloob kaylanman.
“Riccardi, maliban sa mga temang ito sa paghahangad maging politiko, ano pa ang ibang ginawa mo sa mga nakalipas na buwan? Wala. Isang kabiguan lamang. Monti – panawagan pa nito – balaan o pagtrabahuhin ang ministro. Isang walang saysay na ministro na dapat pang patunay ang kanyang tinanggap na tungkulin. Sa halip, iyong sabihin kung anu-ano na ang iyong nagawa sa ngayon?”.