in

Health assistance para sa mga undocumented minors, nilinaw

Nilinaw sa pamamagitan ng DPCM ang mga pag-aalinlangan ukol sa health assistance sa mga undocumented minors sa mga nagdaang taon.

 

 

Roma, Abril 28, 2017 – Ang DPCM (Decreto del Presidente del Consiglio dei Ministri) Jan 12, 2017 na nagtataglay ng Fundamental Levels of Assistance o LEA (Livelli essenziali di assistenza) ay inilathala sa Official Gazette n. 65 noong March 18, 2017.

Ang nabanggit na dekreto ay ganap na pinapalitan, makalipas ang 16 na taon, ang DPCM Nov. 29, 2001 – kung saan nasasaad ang mga itinalagang gawain, serbisyo at benepisyo buhat sa National Health Service o SSN (Servizio Sanitario Nazionale) na kinakailangang maibigay sa lahat ng mga mamamayan ng libre o walang bayad o sa pagbabayad ng isang fee sa pamamagitan ng ticket.

Partikular ang mga artikulo 62 at 63 ay nakalaan sa mga non-Europeans at tumutukoy sa mga probisyon ng Batas sa Immigrasyon (testo Unico sull’Immigrazione) at ang regulasyon nito (art. 34 at 35 ng D. Lgs. 286/1998 at art. 42 at 43 ng DPR 384/1999) pati na rin sa Kasunduan ng Dec 20 2012, batay sa artikulo 4 ng legislative decree Aug 28, 1997 n. 281, sa pagitan ng gobyerno, rehiyon at mga autonomus provinces ng Trento at Bolzano ukol sa dokumento na may titolong: Patnubay para sa tamang aplikasyon ng batas sa pangangalaga ng kalusugan ng mga mamamayang dayuhan ng mga Rehiyon at Autonomous Provinces (Indicazioni per la corretta applicazione della normativa per l’assistenza sanitaria alla popolazione straniera da parte delle Regioni e Province autonome).

Gayunpaman, ang pinakamahalagang pagbabago na nilalaman nito para sa mga dayuhan ay nakalaan para sa mga menor de edad. Sa katunayan, nasasaad sa artikolo 63, talata 4 na ang mga “dayuhang menor de edad na nasa bansa at hindi regular ang pagpasok at paninirahan dito, ay itatala sa SSN at sila ay tatanggap ng health assistance, katulad ng mga mamamayang italyano”.

Sa pamamagitan nito ay binigyang linaw ng DPCM ang mga pag-aalinlangan sa mga nagdaang taon ukol sa kundisyon ng Kasunduan ng 2010 at ang pagpapatupad nito ng bawat rehiyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Servizio Civile Universale, itinalaga para sa lahat ng mga kabataan

Application form ng bonus mamma domani, sa Mayo ilalabas