Uumpisahan ang hearing sa darating na Sept. 14 ngunit ang mga paaralan ay magsisimula nà sa Sept. 12. UNICEF: “Discriminasyon ng mga batang ipinanganak at lumaki sa Italya, dapat baguhin ang batas sa citizenship”
Rome – Sa susunod na linggo ay magsisimulang harapin ang kaso ng Elementary school ng Via Paravia ng hukom ng Milan, kung saan ngayong taon ay walang Grade 1 dahil labinlima sa loob ng labingpitong mag-aaral ang ang naka-enroll na dayuhan at walang Italian citizenship.
Alas 10 ng umaga sa Sept 14 naka-iskedyul ang unang hearing sa apila ng ilang mga magulang laban sa Education Ministry at sa Regional Office of Education, laban sa aksyon ng diskriminasyon. Samantala, ang mga paaralan ay magsisimula sa susunod na linggo (sa Lombardy ay Sept 12), ang mga magulang ay hinihiling na ang kanilang mga anak ay dapat pa ring pumasok sa paaralan habang hinihintay ang desisyon ng mga hukom.
Ang abugadong si Alberto Guariso, kasama si Neri Livio mula sa asosasyon ng mga abogado sa isang sulat sa Ufficio Scolastico Regionale at sa Principal ng eskwelahan ay hiningi ang atensyon sa apila.
“(…) Inaanyayahan ko kayong gumawa ng aksyon – sa sulat ni Guariso – upang ang mga mag-aaral ay makapasok habang hinihintay na matapos ang paglilitis at upang maiwasan ang pinsala ng mga ito – sa kasong positibo ang maging resulta nito – ay mananatiling nasa kamay ng administrasyon at mga responsable ang paghingi ng paumanhin sa mga magulang, gayun din sa akin.
Ano ang maaaring mangyayari, kung ang mga mag-aaral ay magsisimulang pumasok ng ibang paaralan at pagkatapos ang hukom ay magnanais bigyang katwiran ang mga pamilya? Muling lilipat ang mga mag-aaral sa Via Paravia? Ngunit, tunay rin naman na kung magsisimula ang mga mag-aaral, pagkatapos ay hindi bibigyang katwiran ang apila ng mga magulang, ay dapat pa ring lumipat ng eskwelahan ang mga bata.
Ngayon, sa isang panayam ng isang pahayagan, ang director ng Regional Office na si Giuseppe Colosio ay sinang-ayunan ang desisyon ng walang Grade 1 class sa taong ito. “Ang batas – sabi niya – ay kakampi namin. Ang desisyon ay ka linya ng kasaysayan ng integrasyon ng mga Italyano, ang circular Gelmini ay nagtukoy lamang ng dami sa bilang na isinasaad sa batas ng Turco-Napolitano. Ito ay hindi lamang pagsasalita ng wikang Italyano, kailangan din ang isang palitan ng kultura sa pagitan ng mga mag-aaral at pamilya. “
Sa kaso, ay nagbigay din ng papaya ang Committee para sa UNICEF, na “nababahala ukol sa epekto nito sa karapatan sa edukasyon at hindi sa diskriminasyon ng mga bata. Ipinapaalala ng “UNICEF ” na ang karamihan ng mag-aaral na dayuhan na naka-enroll sa Grade 1 ng Lombardy Region ay mga batang ipinanganak sa Italya at kilala ang wikang Italyano. Dahil dito ay nangangailangan ng mabilisang aksyon ang kasalukuyang batas para sa pagkuha ng citizenship”.