Systematic screening sa lahat ng borders, datos at mga dokumento ay ikukumpara sa datebase. Ito ang tugon ng mga gobyerno matapos ang pag-atake sa Paris.
Roma, Nobyembre 23, 2015 – Upang malabanan ang terorismo, ay pinalakas ng Europa ang pangongontrol sa mga external borders kahit sa mga Europeans. Sa pamamagitan ng higit pang mga tao at modernong kagamitan ay nais paghambingin ng Europa ang bawat database at nais ng Europang makilala ang sinumang papasok dahil higit na mahirap ang masubaybayan ang mga pagkilos sa loob ng Schegen kung saan ang mga internal frontiers ay nananatiling bukas.
Ito ay isa sa countermeasures matapos ang naging pag-atake sa Paris na ipinalabas kamakailan ng special meeting ng mga Ministries of Interior at Justice ng EU sa Brussels. Sa konklusyon ng ginawang summit, ang mga Member State ay nagsusumikap sa mabilisang pagpapatupad ng mga systematic at coordinated checks sa internal frontiers, kahit pa sa mga mayroong karapatan ng free circulation, o mga mamamayan ng Europa.
Hanggang sa Marso 2016, ang sistema ng kontrol sa frontiers ng Schengen area ay palalakasin. Ang mga ito ay magiging electronically connected sa mga database ng Interpol sa lahat ng borders at maaaring gawin ang authomatic screening sa mga travel documents.
Dahil sa kasalukuyang krisis sa daloy ng migrasyon, ay nais ng mga State ang sitematikong mai-rehistro, kahit sa pamamagitan ng finger print, ang sinumang papasok ng iligal sa Schegen area, migrante o international protection seeker. Magkakaroon ng cross-check sa lahat ng mga database (SIS II, Interpol, at VIS ang national police), sa tulong ng Frontex at Europol.
Ang mga hotspots (o sentrong nilikha sa mga arrival site, kahit sa Italya) ay kailangang nagtataglay ng mga kinakailangang teknolohiya. Ang Europol ay magpapadala ng mga tauhan sa mga hotspots upang palakasin ang security control. Kung kinakailangan, sa mga frontiers ay mabilis na darating ang mga RABITs o rapid border intervention team at mga pulis”upang siguraduhin ang systematic screening at security control”.
Ang European Commission ay kailangang i-update ang proposal nito ukol sa smart borders para sa rebisyon ng Schengen Borders Code, kung saan nasasaad ang “systematic control ng mga EU citizens” sa mga external borders. Isasama rin ang biometric information control sa lahat ng database. Ngunit kailangang makahanap ng ‘technical solution upang hindi mahadlangan ang daloy nito’.