"Inaasahan namin ang mula 100,000 hanggang 150,000 application. Kami ay naipit sa pagitan ng takot ng invasion at ng mga kritiko ng pagiging masyadong mahigpit. Sa ngayon ay malupit na ipatutupad ang batas”.
Roma – Oktubre 18, 2012 –Kumita ng 135 million euros ang Sanatoria. Ngunit higit sa lahat ay ating pinaligaya sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘karangalan’ ang 134,576 imigrante. Kulang pa ba ito?
Sa isang panayam ngayon ng Corriere della Sera kay Ministro Andrea Riccardi, ay kanyang ipinagtanggol ang katatapos lamang na regularization at pinabubulaanan ang kritiko ng pagiging flop nito: "Aming palaging inihahayag na inaasahan namin ang mula sa100,000 hanggang 150,000 mga aplikasyon. Ang mabasa ang mga kritiko matapos harapin ang mga natakot sa pagdagsa ng 800,000 mga imigrante, ay nakakagulat”.
At ang malaking gastos at mga patunay ng pananatili sa bansa, na naging hadlang sa maraming mga employer at mga undocumented? Kinailangang maglagay kami ng limitasyon. Ito ay dahil – paliwanag pa ni Riccardi – sa pagbibigay konsiderasyon sa tatlong parte. At ito ay hindi naunawaan, na kinakailangan ang isang positibong pang-unawa sa migrasyon. Kami ay halos maipit sa takot ng invasion at mga kritiko ng pagiging masyadong mahigpit. Dalawang posisyong parehong mababaw na pananaw.
Hinid rin nakaligtas sa Ministro ng Integrasyon ang malaking diperensya sa pagitan ng aplikasyon ng mga domestic jobs at (80,000 para sa mga colf at 36,000 para sa mga caregivers) at ng sa ibang sektor (18,000 lamang). At ganito ang kanyang naging paliwanag: "Ang mga pamilya ay higit na nagpakita ng malalim na pananaw sa realidad at legalidad. Kahit pa na ang 1,000 euros ay hindi madaling ilabas mula sa bulsa. Marahil, ang mga mayroong higit ay hindi ginawa ang regularization dahil hindi kumbinsido na lumantad”.
At sa mga employer na hindi sinamantala ang pagkakataong ito, si Riccardi ay naging matigas. "Ako mismo ang hihiling na maging mas mahigpit sa mga kontrol laban sa isang Italya na nag-aalaga sa ilegalidad, sa mga hindi nagbabayd ng buwis at hindi naglalagay sa regular ng mga imigrante, gayun din sa ating mga kabataang mangaggawa. Salot ang lavoro nero. Ang batas ay kailangang mahigpit na ipatupad.