Tinanggihan ang batas ng Calabria Region.
Roma, Enero 21, 2013 – Ang Advisory board o Consulta ay ipinahayag ang pagiging labag sa konstitusyon ng batas noongDisyembre20, 2011 ng Calabria Region kaugnay sa pagbibigay ng Disability Fund ng rehiyon kung saan nasasaad na ang mga non-EU nationals, upang makatanggap ng nasabing benepisyo ay nararapat na nagtataglay ng long term residence permit o ng kilalang dating carta di soggiorno.
Ang korte, sa isanghatol na inilabas kamakailan, ay nagsasaad na ang batas ay labag sa artikulo 3 ng Konstitusyon dahil "ang pagbibigay limitasyon sa mga maaaring makinabang ng benepisyo ay maituturing na hindi makatwiran at lumalabag sa mga prinsipyo ng pagkakapantay-pantay''.
Bukod sa hinihingi ng batas ang 'long term residence permit, ayon sa Advisory board, ito ay 'hindi napapanahon', dahil ang isa sa mga requirements upang magkaroon ng long term residence permit ay ang pagtataglay ng normal na permit to stay ng hindi bababa sa limang taon. Sa batas, samakatuwid, ay makikita ang elemento ng pagkakaiba, dahil walang ibang dahilan sa mga kundisyon ng pagtanggap ng mga non-EU nationals ng naturang benepisyo at ang kasalukyang sitwasyon ng pangangailangan, na maaaring maging hadlang sa pagtanggap ng social fund”.
Sa katunayan, ay mababasa sa hatol “hindi maaaring ang mga mayroong karamdamang dayuhan na carta di soggiorno holders ay ituring na mas nangangailangan kumpara sa mga dayuhang mayroong normal na permit to stay, at ang pagkakaroon nito ay hindi maaaring maging daan ng pagiging higit kumpara sa ibang nangangailangan”.