in

“Hindi makatarungang ibilang ang mga imigrante sa civil service!” – Borghezio

“Walang kabuluhan, isang senyales ng pang-aabuso at maaaring maging simula ng paboritismo”

altRoma, 13 Enero 2012 – “Ang civil service (o servizi sociale) ay dapat na sa mga mamamayang Italyano lamang. Kadalasan, ito ay nagbibigay ng mga serbisyo sa maseselang at estratehikong pasilidad para sa interes ng bansa tulad ng protezione civile at mga bilangguan, samakatuwid ay makatwirang mangailangan ng Italian citizenship..”

Ganito ang naging pahayag ng Lega Nord sa katauhan ni Mario Borghezio sa sentensyang inilabas ng hukom sa Milan na tinanggap ang apila ng isang binatang mula sa Pakistan na nagnanais lumahok sa public competition.

“Ang buksan ang public competition pati sa mga imigrante, kahit na regular – dagdag pa ni Borghezio – ay walang kabuluhan, isang senyales ng pag-abuso at maaaring maging simula ng paboritismo. Halimbawa, ilan ang maaaring lumahok dito para lamang tumagal ang validity ng kanilang mga permit to stay, kahit pa walang mga trabaho?”

“Ikinalulungkot kong sabihin ito ng may galit, dahil ang sentensya ay nagmula sa hukuman, ngunit ito ay tumutukoy, sa politika, na tunay na hindi makatarungan.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus Bebè 2011 handog ng Regione Lazio

“Kailangan ng bagong konsepto sa citizenship” – Fini