Pebrero 19, 2013 – Sa pamamagitan ng hatol bilang 201300218noong14 Pebrero 2013, ang TARng Turinay pinawalang-bisaangdesisyonngSportello Unico per l’Immigrazione ukol sa pagsasara sa proseso ng isang aplikasyon ng Regularization, dahil sa hindi pagsulpot ng employer at worker, ng walang balidong dahilan, upang pirmahan ang residence contract o ang contratto di soggiorno.
Sa kasong ito, ang dayuhan aynag-apelasaTARpara sapagpapawalang-bisangnaging hatol, o ang archiviazionesa aplikasyon para saRegularizationnaisinumite noong 2009. AngSUI ay sinabing ang pagsasara sa nasabing aplikasyon ay sanhi nang hindi pagsipot ng employer at worker sa araw na itinalaga ng tanggapan upang pirmahan ang residence contract, ang mahalagang bahagi upang makumpleto ang proseso ng Regularization. Ayon sa dayuhan, ang hindi nito pagdating ay responsabilidad ng employer lamang, na hindi dumating upang hadlangan ang pagtatapos ng proseso ng hiring, sitwasyon na hindi hawak ng worker. Sa kabila nito, ang huli ay mayroong pa ring karapatan sa permesso di soggiorno per attesa occupazione, ayon sa batas.
Ang mgahukomaytinanggap angapelaat binigyang-diin na, ang SUI ay kailangang suriin pa rin ang posibilidad upang ipagkaloob sa dayuhan kahit ang permesso di soggiorno per attesa occupazione sa hindi pagdating ng employer upang kumpletuhin ang proseso. Bingyang-diin rin na ang resulta ng aplikasyon sa Regularization ay hindi maaaring batay sa employer lamang, na maaaring magbago ng isip at hindi na ituloy ang hiring ng dayuhan, at dahil dito ang archiviazione ay hindi maaaring gawin nang walangkaalaman angworker at maging ang kawalan ng "aktibong" partisipasyon nito.