in

Hipotesis ng isang moratorium sa mga permit to stay sa Emilia

“Ito ay isang paksa na maaaring magbukas ang isang debate”

altRoma, Hunyo 1, 2012 – Ang hipotesis ng isang “moratorium” sa mga permit to stay ng mga manggagawang imigrante sa mga nilindol na lugar, o ang posibilidad ng pansamantalang renewal ng mga dokumento kahit na hindi magagawang matugunan ang mga pamantayan ng trabaho, kita , pabahay na hinihiling ng batas ng imigrasyon, ay isa sa mga pangunahing paksa na dapat harapin ng pamahalaan.

Ito ang paliwanag sa Adnkronos ni Piero Soldini, pinuno ng National Immigration Office ng CGIL, na ipinapa-alala na sa tema ng imigrasyon, bukod sa super tax sa renewal ng mga permit to stay, ang regularization ng mga undeclared jobs, ang EU directive ukol sa illegal hiring “sa June 5 ay magkakaroon ng isang pulong kasama ang Ministro Anfìdrea Riccardi at mga kinatawan ng mga Ministries ng Interior at Labor.”

“Ang lindol sa Emilia, ay nagpakitang muli ng mga realities sa ating bansa – ayon kay Soldini – o ang katotohanan na maraming mga mangagawang imigrante at ipinakitang muli na tayo ay naninirahan sa ilalim ng iisang bubong lamang, at sa kasamaanag palad, sa Emilia ay nagdulot ng biktima sa mga nagta-trabaho – Italyano man o imigrante”.

Samakatuwid, ang madaliang panawagan ng isang moratorium, tulad ng pinangunahan ngayon ng  Cooordinamento Migranti di Bologna e Provincia, at marahil ay bahagyang ‘demagohiko at instrumentasyon’ ngunit isang paksa na maaaring magbukas ang isang debate” pagtatapos pa ni Soldini.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Transportasyon sa VII World Meeting of Families

Family Foundation to help victims of Italy earthquake