Mga consultants: “Ang Ministry of Interior ay hindi pa nagbibigay ng mga pahayag tungkol sa mga ito”.
Pagkatapos ng halos tatlong taon, ang pagpasok ng bagong sistema ng ‘Obligatory Communication’, ang mga kumpanya ay ipa-aabot ang komunikasyon ng ‘hiring’ on line; ang komunikasyon ay ipa-aabot rin sa mga kinauukulan tulad ng Inps, Inail, at mga Employment Center (Centro per l’impiego).
Ito ay isang pagpapagaan na tutulong diumano sa marami, ngunit hindi sa lahat. Ang sinumang kukuha ng isang trabahador na dayuhan ay nananatiling ipapadala (sa pamamagitan ng registered mail with return card) ang na-fill up na form (modello Q ng contratto di soggiorno) sa Sportello Unico per l’Immigrazione.
Sa form Q na nilagdaan ng employer at ng empleyado, ay matatgpuan ang kanilang mga personal datas gayun din ang kondisyong kontraktuwal at lahat ng impormasyon na napapaloob sa ‘obligatory communication’. Bilang karagdagan, ang empleyor ay ihahayag ang pagkakaroon ng trabahador ng ankop na tirahan at handang sagutin ang alinmang bayarin sa posibleng pagpapatalsik dito.
Mula sa April 30 ay uumpisahan ang ‘obligatory communicaton (Model Unilav) na may dalawang karagdagang mga panels na para lamang sa tirahan ng trabahador at sa kaukulang bayarin kung sakaling dapat pabalikin ng bansa ang trabahador. Sa mga tagubilin na ipinamamahagi ng Ministri of Labour , ay makikitang nakasulat na gagamitin lamang diumano ang modello Unilav bilang replacement sa Modello Q o sa hiring ng trabahador na estranghero.
Ang ‘contratto di soggiorno’ ay tuluyan na bang mawawala? Theoretically speaking lamang! "Sa mga bagong forms ng obligadong komunikasyon ay tila malinaw na ito ay hindi na kinakailangan, ngunit ang Ministry of Interior ay hindi pa nagbibigay ng mga pahayag tungkol sa mga ito," ayon sa Institution of Labour Consultants (Fondazione Studi dei Consulenti di Lavoro).
Ayon sa Institute, "Naghihintay pa ng isang order mula sa Ministry of Interior na linawin ang importansya ng modelo Unilav, ito ay para na rin sa Sportello Unico, at nanatiling obligasyon pa rin ng mga employer na ipadala sa Prefecture- UTG Sportello Unico ang kontrata o modelo Q ".
Sa madaling salita, ang mga kumpanya para sa hiring ng isang imigrante, ay patuloy na magpapadala ng dalawang magkaparehong komunikasyon. Ito ang tinatawag na ‘pagpapagaan’.