Bagong kasunduan sa pagitan ng ABI (Italian banking association) at consumer’s association. Magtanong lang sa iyong bangko! Narito ang mga kinakailangan.
Roma – Sa sinumang may mabigat na suliranin at hindi mababayaran ang hulog sa bahay, ay maaaring humiling ng suspensyon ng hulog sa kanyang bangko hanggang Hunyo. Ang probisyon ay upang ipagpatuloy ang “Family Plan” isang kasunduan sa pagitan ng mga grupo ng mamimili at ng Italian Banking Association o ABI.
Ang suspensyon ay tumatagal ng labindalawang buwan at ito ay para lamang para sa housing loan na aabot ng 150,000 € at ginamit upang bumili, magtayo o magkumpuni ng unang bahay. Bukod dito, ang mga hihingi ng suspensyon ay dapat mayrong kita ng 40,000 € bawat taon at kasalukuyang sumasailalim sa di kanais nais na kaganapan sa buhay tulad ng kamatayan ng isang miyembro ng pamilya, pagkawala ng trabaho,na layoff, may sakit o naaksidente na naging sanhi ng pagigng imbalido.
Ito ang mga pangunahing kundisyon, ngunit ang mga bangko na kalahok sa inisyatiba ay maaaring nag-alok ng mas magaang na kundisyon.
Ayon sa data na inilabas ng ABI, 64% ng mga bangko ay sumali sa Family Plan, kung saan noong nakaraang taon 35,000 na mga hulog ay sinuspinde para sa isang total ng € 4,4 billion euro. Ang Family Plan ay isang alternatibo sa Solidarity Fund na ginawa ng pamahalaan ilang buwan na ang nakalipas, nagbibigay din ng pagkakataon sa suspensyon ng mga kabayaran, ngunit sa ilalim ng iba’t-ibang kondisyon.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari puntahan ang sariling bangko, o bisitahin ang Italian Banking Association, www.abi.it