in

Huling quota decree, kakaunti ang aplikasyon para sa conversion ng permit to stay

Ang sinumang magpapadala sa mga oras na ito ay mayroon pang magandang pagkakatong naghihintay.

Roma – Disyembre 15, 2012 –‘Mabagal’ ang takbo ng bagong quota decree ngayon at hindi tulad nang bilis ng inaasahan.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Ministry ng Interior ay tila napakabagal ang pagpapadala ng mga aplikasyon para sa mga nakalaang quota ng huling mini-decreto. Hindi pa nauubos ang mga itinakdang quotas at ang sinumang magsusumite ng aplikasyon sa ngayon ay may natitira pang magandang pagkakataon.

Ang nasabing mini-decreto ay naglaan ng 2,000 quotas para sa mga entrepreneurs, 100 quotas para naman sa mga Italian origins tulad ng Argentina, Uruguay, venezuela o Brazil at halos 12,000 conversion ng mga permit to stay para sa trabaho mula sa iba’t ibang motibo. Para sa mga entrepreneurs naman ay dapat sundin ang isang partikular na prosedura, at lahat ng ibang aplikasyon ay ipapadala online.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Viminale noong Dec 13, 2012, ay mayroon pang pagkakataon para sa lahat ng uri ng conversion ng permit to stay. Ilang halimbawa? Mula sa pag-aaral (o studio) para sa subordinate job: hindi pa umabot ng 1,000 ang mga aplkasyong natanggap sa halos 6,000 nakalaang quota; mula sa pag-aaral sa self-employment (entrepreneur) ay 200 aplikasyon sa nakalaang 1,000 quotas; mula sa seasonal job sa subordinate job ay 1,400 aplikasyon sa 4,000 nakalaang quota.

Ang mga aplkasyon ay maaaring ipadala hanggang sa katapusan ng Hunyo sa susunod na taon. Ang sinumang mayroong mga requirements ay pinapaalalahanang huwag palampasin ang magandang pagkakataon; kahit pa mabagal maubos ang mga quotas ay mauubos rin ito sa loob ng panahon o bago pa man matapos ang panahong itinakda.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonino: Mga kababaihang migrante para sa mabilis na integrasyon

Pagpasok sa Italya bilang Entrepreneur