“Humanap ng human at economic resources upang mabigyan ng mabisang pagpapatupad ang Regularization”
Roma, Agosto 6, 2012 – “Ang Regularization na inilunsad ng pamahalaan ay mahalaga at kinakailangan ngunit kailangang pagtuunan rin ng pansin ang epekto nito sa awtoridad at seguridad ng bansa”.
Ito ang mga salita ng head ng SIULP (sindacato Italiano Unitario Lavoratori Polizia) na si Felice Romano at sinabing “Ang ipagkaloob ang karapatan bukod sa mga tungkulin ay ang pinakamabisang kahulugan kumbinasyon ng isang sibil at demokratikong bansa”.
Para “magbigyan ng bigat ang prinsipyo ng regularization at ang pagiging labag nito sa exploitation at pagpupuslit ng illegal migration – pagpapatuloy ng head ng SIULP – ay kinakailangang maglaan ng economic at human resources na kinakailangan upang labanan ang posibleng epekto ng nasabing regularization, sa katunayan ay maaaring maghatid ito ng hindi positibong epekto sa mga tanggapan ng imigrasyon at sa Polizia di Stato, na nag-iisang pwersa upang matugunan ang mga bagay na may kinalaman sa imigrasyon, na sa kasalukuyan humaharap sa epekto ng ‘spending review’, kakulangan sa tauhan at walang pondo upang matiyak ang seguridad”.
Dahil dito, bilang pagtatapos ni Romano, “nananawagan ako kay Ministro Riccardi at sa gobyerno na humanap ng sapat ng economic at human resources upang mabigyan ng mabisang pagpapatupad ang regularization”.