in

“Huwag ibilanggo ang mga iligal na dayuhan” – Europa

altBinalewala ang pagpapakulong sa mga hindi susunod sa order of deportation.

Roma – Ang Italya ay hindi maaaring mag-kulong ng mga iligal na dayuhan dahil sila ay hindi maaaring pabalikin sa kanilang bansa.

Ito ay ayon sa isang sentensya, kamakailan, ng Hukumang Pangkatarungan ng European Union, isang kinatawan na sumusubaybay sa mga batas ng mga bansang kasapi na lalabag sa patakaran ng Europa.

Ang korte ay tinanggihan ang isang hakbang ng Immigration Act na nagsasaad ng pagpapakulong hanggang apat na taon sa mga taong hindi lilisanin ang Italya matapos itong ipag-utos ng mga pulis o makatanggap ng order of deportation. Ito ay isang paglabag sa isang direktiba ng Europa na nagsasaad ng pagkakabilanggo ng mga iligal na dayuhan sa mga bukod-tanging kaso lamang.

Ang Direktiba ay hindi pà naipapatupad ng pamahalaan sa Italya, ngunit ang tuntunin ay pasò nà noong nakaraang Disyembre at samakatwid ito ay awtomatikong ipapatupad na.

Ang sentensya ng Hukuman ay magpapahintulot sa maraming mga iligal na dayuhang nabilanggo na humiling at maaaring magpadali ng paglaya ng mga ito. Isang suntok ito sa pamahalaan, na dapat ay baguhin ang batas upang iakma sa European Union na magpapa-lambot sa linya ng pagpapatupad nito laban sa iligal na dayuhan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PINOY FAST FOOD, binabalik-balikan ‘di lamang ng mga Pilipino!

Ika-50 anibersaryo ng Collegio Filippino, ipinagdiwang.