in

“I giorni della vergogna”, ang aklat ukol sa rasismo at kung paano ito labanan

Kwento ng mga insulto sa Minister of Integration at isang pagkilala ukol sa tunay na kahulugan ng rasismo, inilathala ng Stranieri in Italia, buhat sa pananaw ng mga new italians at isang maikling gabay ng pagtatanggol sa sarili.

Enero 15, 2014 – Ang aklat “I giorni della vergogna” ay naglalarawan sa kahulugan ng poot panlahi at sinisikap ipaliwanag kung paano protektahan ang mga sarili mula sa mga pagbabanta nito. Lalong higit, ay naglalayong simulan ang pagninilay-nilay sa di maitatangging bagong mukha ng italian society.

Ang unang bahagi ng aklat ay hindi gasinong maghahatid ng tuwa. Ito ay tumutukoy sa halos walang humpay na pag-atake laban kay Cècile Kyenge, ang unang black Minister, ang unang imigrante sa loob ng gobyerno. Samakatwid, isang paghahambing bilang isang ‘unggoy’ para kay Roberto Calderoli. Mga banner ng Forza Nuova na nagsasabing pabalikin sa Congo ang Minister, na parang hindi ganap na italian citizen. At marami pang mga pang-iinsulto ang mga isinulat sa pader, ang mga photomontage, hate speech online. Tila isang patak ng tubig sa dagat na pinag-aagawan ng mga tagasunod ng Lega Nord habang nag-uumapaw naman sa social network ang pagpapahiwatig nito.

Ang bansang Italya ba ay rasista? Ito ang katanungan sa mga journalistsna mga imigrante o anak ng mga imigrante ng iba’t ibang pahayagan at online news ng Stranieri In Italia, na araw-araw ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga itinuturing na new italians. Iba’t iba ang konklusyon, nauugnay sa sitwasyon at kaugalian ng mga bansang pinagmulan, sa pamamagitan ng sariling pananaw at karanasan. Pananaw sa isang bansa na karaniwang naghahangad na maghayag ngunit hindi naman pinakikinggan ang mga itinuturing na ‘bida’ na sanhi ng mga pagbabago.   

Napapaloob din sa aklat ang isang maikling gabay laban sa rasismo. Una ng inilathala sa online news, na binasa, ibinahagi at pinilit ma-download ng mga mambabasa dahil na rin siguro sa hinihingi ng pagkakataon. At upang matagumpay na malabanan ito, ay kailangang kilalanin muna ito ng maigi, maging sa mababang anyo nito, ang diskriminasyon at gamitin ang mga paraang nasasaad sa batas.

Ang civil at penal na uri ng parusa laban dito ay pawang mga instrumentong hindi sapat sa paglipas ng panahon. At kailangang baguhin ang sistema ng pagpapahalaga at ng pag-uugali. Hal. sa facebook ay hindi maaaring maglagay ng larawan ng isang hubad na tao, ngunit maaaring mag-post ng mga pang-iinsulto dahil sa kulay ng balat o dahil sa ibang pananaw. Panahon na upang tanungin at harapin kung ano na ba sa kasalukuyan ang bansang Italya, kung sino ang mga Italians at kung paano sisimulan, bubuuin at isasaayos ang pamumuhay ng magkakasama

Isang bansa na sa loob ng maikling panahon lamang ay naging multiethnic at multicultural na

dapat puksain ang rasist instincts na kumakalat sa lipunan gayun din ang pagyamanin ang tunay na yaman sa pagkilala bilang isang mamamayan ang may ibang kulay ng balat, ibang relihiyon na nanggaling sa malayong lugar. Isang hamon para sa ating lahat, old at new Italians, isang hamon sa politika na gabayan at sa sosyedad na pahalagahan. Upang muling makatingin sa mata ng bawat isa, na walang pananakit ng damdamin, at walang anumang kahihiyan sa mga araw na sa lalong madaling panahon ay maituturing nating lumipas na.

Download: I giorni della vergogna. Gli insulti a Cécile Kyenge e all’Italia

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Unang X Factor winner sa Israel, isang Pilipina

Contratto di lavoro a chiamata, maaaring gamitin sa renewal ng permit to stay?