in

“Ibalik sa mga imigrante”, bagong hatol ukol sa buwis ng mga permit to stay

Ipinag-utos ng hukuman ng Bari sa estado na ibalik sa mag-asawang Albanian ang labis na ibinayad sa mga nakaraang taon. Piccinini (Inca Cgil): “Unacceptable na hindi pa naibabalik sa lahat ng mga imigrante ang labis na ibinayad nila”.

 

Marso 14, 2017 – Ibang korte at ibang hukom, ngunit iisa at pareho lamang ang sinasabi nila: dapat ibalik ng estado sa mga imigrante ang buwis ng mga permit to stay na ibinayad para sa releasing at renewal ng mga permit to stay.

Ang hatol ng hukuman ng Naples ay hudyat lamang ng mahabang serye. Kasing haba at dami ng mga naunang isinampang kaso sa buong bansa ng Inca at Cgil kasama ang mga mamamayang dayuhan na sa nakaraan ay nagbayad ng buwis para sa releasing at renewal ng permit to stay. Ang buwis na ito ay tinanggal na dahil hindi makatwiran, ngunit ano ang mangyayari sa mga ibinayad sa nakaraang taon?

Isang panibagong sagot ang nagmula naman sa hukom ng Bari, na sa dalawang magkahiwalay na hatol na pirmado noong March 5 ng mga mahistradong sina Carlotta Soria at Valentina D’Aprile, ay ipinag-utos sa Office of the Prime Minister at Ministries of Interior at Economy na bayaran ang legal expenses at ibalik ang halagang 540 euros kasama ang interes kay Renato Sauli at Klevisa Veruari, mag-asawang Albanian. Ito ang kabuuang halaga ng kontribusyon o buwis na binayaran ng mag-asawa.

Si Renato ay dumating sa Italya bilang seasonal worker noong 2012, pagkatapos ay nagkaroon ng mas matatag na trabaho. Ngayon ay isang  truck driver at tulad ng lahat ay nagbayad ng buwis. Dumating ang asawa sa Italya noong 2015 sa pamamagitan ng family reunification. Ipinapaalala rin na bwat request o renewal ng permit to stay ay bumibili rin ng marca da bollo, nagbabayad ng posta assicurata at printing ng dokumento. Tinatayang halos 1000 euros ang naging gastos ng mag-asawa sa halos tatlong taon lamang para sa releasing ng permit to stay.

Sa ngayon ay matatanggap ng mag-asawa ang halos kalahati lamang ng kabuuang halagang ibinayad nila. “Ang batas na nagtalaga sa halaga ng releasing at renewal ng permit to stay – paliwanag sa isang hatol – ay hindi makatwiran at ang pagbabayad nito ay maituturing na walang makatarungang dahilan at dahil dito ay kailangan itong ibalik”. Sentenza Sauli at sentenza Veruari

Muli ay kinailangang lumapit sa hukuman para sa pagpapatupad ng isang karapatang ilang beses ng hinatulan ng Europa at ng ilang Italian authorities”, ayon kay Calusdio Piccinini, ang coordinator ng Immigration Office ng Inca. “Unacceptable na wala pa ring angkop na administrative procedure para sa karapatang mabawi ng mga imigrante ang ibinayad simula pa noong 2012 hanggang ngayon”.

Gayunpaman, ang tanggapan ay patuloy na tumatanggap ng mga domanda di rimborso habang lumalabas ang mga hatol sa mga naunang isinampang kaso.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ora legale, magbabalik sa March 26

Decreto flussi 2017: Ihanda ang aplikasyon, narito ang mga forms