Ang sinumang nag-aplay para sa regularization ng subordinate job (hindi domestic) ay kailangang ipakita sa Sportello Unico ang isang magkakasunod na numero na kikilala sa antas ng trabaho. Ito ay makikita sa isang listahan kung saan matatagpuan ang halos pitong libong numero.
Roma -Disyembre19,2012–Matapos magbayad ng napakalaking halaga at dumaan sa masusing requirements na itinakda ng batas, para sa mga kumpanya ay tila hindi pa tapos ang kalbaryo upang tuluyang matapos ang proseso ng regularization.
Huling hakbang upang tuluyang makaligtas sa ipinatutupad na mas mabigat na parusa sa mga employer upang labanan ang irregular jobs (at bago ang hinahangad na permesso di soggiorno) ay tila isang laro ng taguan sa isang listahan ng pitong libong mga numero. Dito, ay kailangang makita ang tumpak na numero na magpapakilala sa uri ng trabaho ng worker na nire-regularize.
Isang abiso ang inilathala sa www.nullaostalavoro.interno.it, ang website na ginagamit upang maipadala at masubaybayan ang mga aplikasyon ng regularization. Ito ay nagsasaad na “ang mga nagpadala ng aplikasyon form EM-SUB, sa pagtawag ng Sportello Unico per l’Immigrazione, lakip ang lahat ng mga dokumentasyong hinihingi, ay kailangang ibigay din sa nasabing tanggapan ang identification code na binubuo ng anim na numero na angkop sa antas ng trabaho ng worker”.
Ang code aymaaaring hanapin sa listahan ng mga antas ng trabaho ayon sa ISTAT, "kung saan, sa pamamagitan ng "trova"sa Excel file, ay maaaring mahanapang bawat propesyon at samakatwid ang angkop na code na dapat ibigay sa operator ng tanggapan (Sportello Unico), paglilinaw ng note ng Ministry of Interior. Doon ay matatagpuan ang halos pitong libong codes, isa bawat antas ng trabaho: halimbawa, ang code ng mga waiter ng restaurant ay 5.2.2.3.2.0. Happy searching!