Mas pinadali para sa family reunification o ricongiungimento familiare, flussi at regularization. Sinimulan ang protocol sa pagitan ng Comune at Prefecture. Matapos isumite ang aplikasyon sa munisipyo, direktang magpupunta sa Sportello Unico per l’Immigrazione.
Roma – May 6, 2014 – Ang mga tanggapan ng public administration ay may komunikasyon online. Bukod sa tipid sa papel ay makakatipid sa panahon at lakas ang mga imigrante sa pagpila.
Ito ang mahalagang pagbabago sa Roma, kung saan simula noong nakaraang sa Abril 23 ay sinimulan ang protocol agreement sa pagitan ng Comune at Prefecture na padaliin o gawing mas simple ang paghingi sa tinatawag na certificato di idoneità alloggiativa, isang sa mabigat na pasanin ng mga imigrante. Ito ang sertipiko, buhat sa Comune, kung saan pinatutunayan na ang isang aprtment ay angkop upang tumanggap ng takdang bilang ng tao upang maninirahan dito.
Ang idoneità alloggiativa ay mahalaga para sa iba’t ibang mga proseso na sinasaklawan ng Sportello Unico per l’Immigrazione, sa pangunguna ng Prefettura. Ito, sa katunayan ay kailangan sa ricongiungimenti familiari at ito ay isinusumite ng dayuhang manggagawa na nagnanais kunin sa sariling bansa papuntang Italya ang isa o higit na miyembro ng kanyang pamilya. Hinihingi naman ng employer sa hiring at maging sa regularization ng isang manggagawang dayuhan.
Hanggang sa nakaraang dalawang linggo sa Rome, tulad sa ibang bahagi ng Italya, ay kailangang magtungo muna sa Munisipyo upang humingi ng nabanggit na sertipiko. Babalikan na lamang upang kunin pag handa na ito. Pagkatapos, ito ay dadalhin sa Sportello Unico per l’Immigrazione. Ngunit simula noong Abril 23 ay sinimulan ang bagong proseso nito online at nagtanggal sa tila prusisyong tinatahak ng mga imigrante.
Ang unang hakbang na dapat gawin ay mag-log on sa website ng prefecture http://servizi.utgroma.it/ria/richiesta at i-fill up ang form on line ng richiesta d’idoneità alloggiativa, magbigay ng email address para sa anumang abiso, development at resulta ng request. Kailangang i-print ang ginawang request at lakip ang mga dokumentong kinakailangan sa Munispyo. Magtungo sa Munisipyo upang isumite ang request at mga dokumento. Ito lamang ang pilang gagawin ng mga imigrante. Pagkatapos ay maaari ng umuwi at maghintay.
Para sa mga flussi at regularization, matapos matanggap ang email ng kumpirmasyon na ang dokumento ay kumpleto, ay maaari nang kumuha ng appointment sa Sportello Unico per l’Immigrazione, sa pamamagitan ng link http://servizi.utgroma.it/STIPWebClient/.
Para naman sa family reunification, bago kumuha ng appointment ay kailangan munang hintayin ang ikalawang email ng kumpirmasyon buhat sa Munisipyo na nagsasaad ng releasing ng sertipiko.
“Para sa mga nangangailangan nito – bigay-diin ng Prefecture – hindi na kailangang kunin sa Munisipyo at isumite sa Sportello Unico per l’Immigrazione ang sertipikong papel”.
Ang mga makikinabang ng pagbabagong ito ay marami: tinatayang halos 10,000 aplikasyon ang hinaharap ng Sportello Unico per l’Immigrazione kada taon kung saan ang sertipikong ito ay kinakailangan.