Ang online system ng prefecture ay hindi na gumagana. Pinsala? Muling pipila ang mga imigrante upang mahuka ang dokumento sa Comune o Munisipyo.
Roma, Abril 13, 2016 – Counter order, balik sa pila!
Mula ngayon, ang mga dayuhan sa Roma at kalapit lalawigan nito na nangangailangan ng certificato di idoneità alloggiativa ay kailangang bumalik sa Munisipyo o Comune upang kunin ang sertipiko. Ang computerized system na sinimulan dalawang taon na ang nakakalipas para sa application at releasing online ay hindi na gumagana.
May ilang linggo na ring ang website nito ay gumana’t hindi at ilang araw na ang nakakaraan na tuluyan ng hindi ito gumana: sa katunayan kung iki-click ang servizi.utgroma.it, ay makikitang hindi na ito aktibo.Hindi ito isang technical problem bagkus tapos na at hindi na ni-renew ang kontrata sa external company na nagbibigay ng nasabing serbisyo.
Malaki ang pinsala nito sa libu-libong imigrante. Ang sertipikong ito ay mahalaga sa pagpoproseso ng maraming dokumentayson tulad ng family reunification, carta di soggiorno at decreto flussi.
Marami ang nagtaka at nagalit sa matagal na paghihintay sa online system at dumirekta sa Comune upang hingin ang sertipiko. Ang sagot na natanggap ng mga imigrante ay patuloy umanong gamitin at maghintay sa online. Marahil ang mga empleyado ay hindi pa nasabihan ukol sa paghinto ng sistema.
Isang paglilinaw buhat sa Sportello Unico per l’Immigrazione di Roma. “At dahil ang online problem ay hindi madaling masolusyunan – paliwanag ng tanggapan – kami ay nagpadala ng komunikasyon sa mga Munisipyo at Comune at aming hinihingi ang muling pagre-release ng mga certificate buhat sa kanilang mga tanggapan”.
Samakatwid, ay muling babalik sa lumang sistema. Matapos i- release ang certificate sa imigrante, ang Comune at Munisipyo ay ipagbibigay-alam ito sa Sportello Unico per l’Immigrazione. Higit na panahon para sa mga aplikante, sa mga dapat makatanggap ng sertipiko at ang paggawa ng sertipikong hindi na tinanggap ng online system.
Bukod dito ay pangungutya mula sa mga nagpadala ng aplikasyon online at nakatanggap ng ok buhat sa Comune ngunit hindi pa nakakapunta sa Sportello Unico per l’Immigrazione. At dahil hindi na posible ang masuri ito online, lahat ay muling magsisimula ng buong proseso: “Sa mga ganitong kaso ay kailangang bumalik sa Comune at humingi ng sertipikong papel”, kumpirmasyon ng SUI.