in

“Ihinto ang health assistance sa mga undocumented” – Matteo Salvini

Ang lider ng Lega sa Fb: "Para sa ilan ay rasismo, para sa akin ay tama at makatarungan", mayroong 20,000 likes.
 
 
 
 

 


Milan – Marso 17, 2015 – Walang limitasyon. Walang habag. Ito ang mapanghikayat na paraan ni Matteo Salvini na laging handa sa paghahatid ng sinpobya sa kanyang mga programa laban sa mga imigrante. 
 
Matatandaang ang Lega Nord, na palaging target ang mga migrante sa nakaraan ay nagpanukala ng pagre-report sa awtoridad ng mga dayuhang hindi regular na ipapasok sa ER (emergency room). Ito ay dahil protektado at garantisado ayon sa batas ang mga pangunahin at mga urgent health assistance sa sinumang nasa Italya kahit undocumented. 
 
Sa ngayon ay mas malala ang naging aksyon ng lider ng Lega at social network naman ang ginamit para sa kanyang hindi makataong programa. 

 
“Ang mga undocumented ay may karapatan sa free health assistance. Ang Lombardy Region ay gumastos ng 100 million euros para sa kanilang mga gamot at check-ups  na dapat bayaran ng estado. Ngunit wala pa kahit isang kusing na ibinibigay ito”, mababasa sa facebook. “Kung para sa akin, ihihinto ko mula bukas ang anumang uri ng serbisyo sa mga undocumented, habang walang nagre-refund! Para sa ilan ay rasismo, para sa akin ay tama at makatarungan. Gusto nyo ba ito?”
 
Samantala, isang buod naman ang makikita sa kanyang Twitter account: #CLANDISTINI may karapatan sa free health assistance: Ang Lombardy Region ay gumastos ng 100 million euros at ang estado ay hindi pa nagbibigay kahit isang kusing para dito. Para sa kin ay dapat ihinto ang health assistance sa mga undocumented!”.
 
Ihinto ang mga pangunahin at urgent assistance, mga tanging serbisyong ibinibigay ng libre sa mga undocumented. At dito natatapos ang ‘riseta’ ni Dr. Salvini! Ang kanyang hindi makataong solusyon sa problema. Ilan kaya sa kanyang mga follower (na sa loob lamang ng 5 oras ay umabot na sa 20,000 ang likes) ang nakaisip ng perikolo na maaaring ihatid sa kalusugan ng lahat, italyano man o dayuhan, regular man o hindi, ang magiging sanhi ng posibleng pagkalat ng iba’t ibang karamdaman sa bansa? 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Help desk, inilunsad sa Milan upang tulungan ang mga kabataang kadarating lang sa Italya

Servizio Civile Nazionale, nangangailangan ng 30,000 mga kabataan, kahit dayuhan