in

Ihinto ng Italya ang mataas na buwis ng mga permit to stay – European Union

Para sa Court of Justice, ang halagang mula € 80 hanggang € 200 ay labag sa batas ng Europa. Ina at Cgil: “Kailangang bayaran ang danyos sa mga imigrate.

 

Roma, Septiyembre 2, 2015 – Ang halagang mula € 80 hanggang € 200 para sa issuance at releasing ng mga permit to stay ng mga dayuhan ay labis. Ang halagang ito na ipinataw ng Italya ay hindi angkop at labag sa prinsipyo ng European Union.

Mula sa Court of Justice ng European Union ay dumating ang isang mapait na pagsalungat sa buwis ng mga permit to stay na mula 2012 ay bumubutas sa bulsa ng mga dayuhan sa Italya. Binigyang katwiran ang Cgil at Inca, na tumutuk at naging matiyaga sa mahabang legal na labanan, sa pinakamataas na kinatawan ng batas sa Europa na nagpalabas ng desisyon at nag-uutos sa gobyerno na bigayng-pansin ang nabanggit na mabigat na buwis.

Partkular, ang korte ay itinalaga na ang”kontribusyon para sa releasing at renewal ng mga permit to stay” na sinimulan ng Italya noong 2010 ay taliwas sa Directive 2003/109/CE ukol sa EC long term residence permit. Ang paghingi ng ganito kalaking halaga sa mga regular na dayuhan ay maaaring maging hadlang sa kanilang pagkakaroon ng carta di soggiorno.

Ang mga member states – ayon sa korte – ay may karapatang humingi ng kontribusyon para sa releasing ng mga permit to stay ngunit ito ay hindi dapat magkaroon ng epekto at maging hadlang sa pagiging long-term residents”. Ngunit ang kasalukuyang kontribusyon na hinihingi ng Italya “ay maaaring maging isang balakid sa posibilidad ng mga third country nationals sa karapatang ipinagkaloob sa kanila ng direktiba”.

Ipinapaalala ng Inca at CGIL na sa halagang mula € 80 hanggang € 200 ay idinadagdag pa sa katunayan ang € 27,50 para sa releasing ng electronic document at € 16,00 para sa revenue stamp at ang € 30,00 para naman sa serbisyo ng poste italiane. At bahagi lamang ng halagang ibinabayad ng mga dayuhan ang para sa releasing ng permit to stay, dahil ang kalahati nito ay napupunta naman para sa repatriation ng mga undocumented na dayuhan.

Sa pagtatapos ng Korte, ang Directive 2003/109 ay kabaligtaran sa batas na ipinatutupad ng Italya “na nago-obliga sa mga third country nationalas na nag-aaplay ng releasing at renewal ng permit to stay sa isang member state na magbayad ng kontribusyon mula € 80 hanggang € 200”. Ang halagang iyon sa katunayan ay “hindi angkop sa layunin ng direktibo at lumulikha ng hadlang sa pagsasakatuparan ng mga karapatan na ipinagkaloob nito.

Ang TAR Lazio ang humingi ng paglilinaw buhat sa Court of Justice. Sa kasalukuyan, nakasalalay sa TAR ang mga susunod na hakbang matapos ang hatol na ito, sa pamamagitan ng pagde-desisyon kung at kung paano papawalang bisa ang dekreto na nagtakda ng mga halaga ng kontribusyon para sa releasing at renewal ng mga permit to stay.

Sa wakas ay magkakaroon ng katarungan, ito ay isa muling halimbawa na ang batas ng Italya, para sa mga imigrante, ay may diskrimasyon. Ang hatol ay lumabas habang pinag-uusapan ang pader, bob wire at pagpapatalsik, dapat ipaalam sa lahat na hindi dapat pinaglalaruan ang balat ng mga imigrante”, ayon kay Morena Piccinini, ang presidente ng patronato INCA. “Sa ngayon – paliwanag ni Piccinini – may tapang na isinulong ng Inca at CGIL ang kaso. Nais namin na bayaran ang danyos sa mga imigrante at ang TAR sa lalong madaling panahon ay tanggalin ang kontribusyon hindi lamang sa mga carta di soggiorno bagkus pati na rin sa lahat at ipalabas ang bagong batas na nagbibigay ng prinsipyo ng karapatan at pagkakapantay”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Globay Day of Prayer sa Roma, kasabay ng paglulunsad ng bagong proyekto ng BWPS

Mga Pinoy sa Roma, umaksyon ukol sa Balikbayan box!