in

Ika-limang araw ng regularization, 264 aplikasyon mula sa mga Pilipino

Anu-ano ang mga kadahilanan ng mabagal na pagpasok ng mga aplikasyon buhat sa mga Pilipino?

Rome, Setyembre 20, 2012 – Makalipas ang limang araw, ayon sa ulat ng Ministero del’’Interno, hanggang  alas 6 ng hapon ng araw ng Miyerkules Setyembre 19, ay umabot sa 17,500 ang mga na-fill up na aplikasyon,samantala may kabuuang 13,438 naman ang aplikasyong natanggap ng sistema.

Nangunguna pa rin ang aplikasyon para sa mga colf 8,421; caregivers para sa mga non autosufficiente 3.294 at caregivers para sa autosufficiente 338. Nananatiling mababa ang bilang ng mga aplikasyon para sa iabng subordinate jobs buhat sa mga kumpanya at uambot lamang ng 1.385.

Samantala, nananatiling mabagal ang pagpasok ng mga aplikasyon buhat sa mga employer ng mga Pilipino. Sa ikalawang araw (Sept 17) 179 lamang ang mga aplikasyon, tumaas sa ikatlong araw (Sept 18) sa 239 at kahapon hanggang alas 6 ng hapon ay may kabuuang 264 ang mga aplikasyon.

Mga katotohanang nag-iiwan ng mga katanungan; Regular na nga ba ang karamihan sa mga Pilipino at hindi na nangangailangan pa ng regularization?; Walang mga employer o walang trabaho na magreregular sa mga ito?; Nagsisigurado at hinihintay ang circular na ipinangako ng ministry ukol sa mga patunay ng pananatili sa Italya?; Ayaw bayaran ng employer ang kontribusyon at buwis at kasalukuyang walang pera ang ilan sa mga Pilipino?; Tinanggal sa trabaho ang ilan dahil ayaw gawing regular ng employer?; Hindi  sapat ang mga impormasyon o tulong na natatanggap buhat sa institusyon at mga asosasyon?; Walang katibayan ng pananatili sa Italya?; Hindi makakabilang sa regularization dahil dumating sa Italya ng 2012?

Nais po ng Ako ay Pilipino na masuri ang mga kasagutan sa mga katanungang ito upang malaman natin kung ano sa kasalukuyan ang pangangailangan ng sambayanan. Makiisa sa talakayan na gaganapin mamayang hapon, ika-6 ng gabi sa Sta. Pudenziana – Via Urbana. Makakapiling ang isang abugado na magpapaliwanag at sasagot sa mga katanungan. Makakasama rin na magbibigay ng mahahalagang impormasyon ang ilang patronato kung saan maaaring ipadala ang mga aplikasyon ng regularization.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Part 4 ng sagupaang Pacquaio at Marquez, tuloy na!

Pinay, sinaksak ng kasama sa apartment