in

Ikalawang CCNL, ipinatutupad mula noong Hulyo

Pirmado ng Confimea , Federterziario at UGL ay simulang ipinatutupad noong Hulyo 1 . Ayon sa isang dalubhasa : "Ang mga employer ay malayang pumili, kailangan lamang tukuyin kung alin"

Rome – 3 Set 2013 – Hindi lamang iisa ang National Agreement for Domestic Job o CCNL. Ang mga pamilya na tatanggap ng colf, caregivers at babysitters ay kailangang piliin kung alin ang ia-aplay.

Walang dudang mas kilala ang na-renew bago mag-summer dahil na rin sa kasunduan sa pagitan ng mga unyon tulad ng Cgil, Cils at Uil at asosasyon ng mga employers Fidaldo at Domina. Ngunit simula noong nakaraang July 1, ay mayroong panibagong ipinatutupad, na pirmado naman ng Confimea, Federterziario kinatawan para sa mga employers, ng unyon na Ugl bilang kinatawan ng mga workers. Sundan ang buong teksto sa colfebadantionline.it.

Maging ang ikalawang CCNL ay sumasaklaw rin sa lahat ng mga aspeto ng trabaho, simula sa hiring hanggang sa pagwawakas ng trabaho, sa pamamagitan, halimbawa ng pagtataguyod ng minimum wage o ang regulasyon ukol sa bakasyon at sa mga leave. Ngunit malaki ang pagkakaiba sa maraming aspeto kumpara sa naunang CCNL.

Nagbabago, bukod sa maraming mga bagay, ang kategorya ng mga workers, ang sahod (kung saan idinadagdag ang mga bonus na nag-iiba sa North, Central at South Italy) at ang bilang ng length of service o ang tinatawag na anzianità. Ang panahon ng pagsubok o prova (60 araw para sa mga caregivers at 30 araw naman para sa lahat ng di nabanggit) at tumatagal ng doble kumpara sa ibang kontrata at mayroon ding posibilidad ukol sa pagbabayad ng installment ng 13 month pay.

Ngunit kung titingnang mabuti, ay kulang ang angkop na panuntunan para sa mga mangaggawang dayuhan, na sa naunang konrtrata ay nababanggit ang paid leave para sa pag-aaral ng wikang italyano o ang pagtanggap ng matrimonial leave sa loob ng isang taon makalipas ang kasal. Wala rin ang proteksyon para sa mga working mothers, kung saan dinoble ang panahon ng abiso sa kaso ng pagtatanggal sa trabaho, na isa, bagaman maliit na pagbabago, ay tagumpay ng naging rnewal ng dating CCNL.

"Sa panahon ng hiring , bawat pamilya ay maaaring pumili kung alin sa dalawang CCLN ang i-aangkop . Ipinapayong tukuyin ito sa pamamagitan ng written document, upang ang parehong partido ay may malinaw na karapatan, obligasyon at kundisyon sa pagta-trabaho. At sa kaso ng hindi pagkaka-unawaan ay maaaring gawin bilang basehan”, tulad ng payo ng abugada na si Mascia Salvatore.

Ano ang maaaring mangyari kung hindi tutukuyin aling national agreement for domestic job? Ia-aplay ang kasunduang pinirmahan ng mga organisasyong higit na kumakatawan sa mga manggagawa, o ang kontarta na pinirmahan ng CGIL , CISL at UIL . "

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Confedcomfiltoscana, may bagong pamunuan

Pinay, wanted ng apat na buwan arestado na