in

Imigrante, mas mayroong trabaho kumpara sa mga Italians sa panahon ng krisis

Sa pagitan ng taong 2007 at 2011, habang isang milyong empleyadong mga Italians ang nawalan ng trabaho, ay 750,000  imigrante naman ang mga na-empleo at nagkaroon ng trabaho. Malaki ang naging epekto ng huling regularization.

altRoma – Mayo 21, 2012 – Sa panahon ng krisis, ang pagbabago sa trabaho ay nagpapakita na nababawasan ang mga Italians na employed, at nadadagdagan naman ang mga dayuhan.

Ito ay ayon sa Repubblica.it commentando i dati Istat, at sa pagitan ng 2007 at 2011 ang bilang ng mga manggagawa sa Italya ay bumaba sa 250,000. “Ngunit ang mga datas – ayon sa pahayagan, sa Economics at Finance Section – ay nag-iiba ayon sa nasyonalidad. Sa katunayan, isang milyong Italians ang nawalan ng trabaho, habang 750,000 mga banyagang manggagawa naman ang tinanggap sa panahon ng parehong panahon.”

Ang mga employed o mayroong trabaho ay bumaba mula sa 23,222,000 noong 2007 sa 22,967,000 sa 2011, isang pagbaba ng 1, 9%. At nadodoble ng apat na beses kung mga Italians ang pag-uusapan: -4.61%, o mula sa  21,719,000 sa 20,716,000. Samantala, sa parehong limang taon, gayunpaman, ang mga imigranteng manggagawa ay nadagdagan ng 749,000, halos higit sa 50%.

Sa page-empleo ng mga dayuhan ay naging malaki ang idinagdag ng huling regularization ng mga colf at caregivers. Ang mga kababaihang dayuhan ay nadagdagan ng 65,8%, laban sa 39.8% ng mga kalalakihan at ito ay isang kumpermasyon na ang domestic jobs ay trabahong pang-babae. Kung  isasaalang-alang ang mga Italyanong manggagawa lamang, ang mga kalalakihan ay mas apektado kaysa sa mga kababaihan, na may isang pagbaba ng -6.13% laban sa -2.29% ng mga kababaihan.

Sa mga Italians, ang pinakamalaking pagbagsak sa trabaho ay naitala sa South, kung saan 423,000 ang mga nawalan ng trabaho, sa North naman ay 409,000 at 173,000 sa Central Italy. Sa South ay umabot ng  + 71.3% ang mga naging job offers sa mga dayuhan, samantala sa Central Italy ay +55,3% at sa North naman ay +43,6%.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PID sa Rome, mayroong iba’t ibang pa-contest

Dordas Flower Shop, opens its second branch