Ang pagkakaroon ng poot sa imigrasyon ay isang pagtanggi ng katotohanan. Ang Italya bilang bukas na bansa sa pamumuhay sibil. Ito ang mensahe sa International Migrants Day.
Roma – Disyembre 20, 2012 – Ang Pangulo ng Republika, Giorgio Napolitano, sa pagdiriwang ng International Migrants Day kahapon , ay nagpahayag ng mahalagang mensahe “isang mainit na pagbati sa lahat ng nahihirapan sa karanasang ito at sa lahat ng mga tumatanggap dito bilang isang pagkakataon .Sa maraming mga imigrante na namumuhay at nagta-trabaho o nag-aaral sa Italya, isang pag-asang mapagtagumpayan ang mga paghihirap at lalong lumala dahil sa krisis”.
"Muli kong iminumungkahi – patuloy ng Pangulo – ang pagkakataon na gawing posible ang pagiging ganap na mamamayan ng mga kabataang tunay na bahagi ng ating komunidad. Kahit ang mga Italians, na maraming naging migrante sa nakaraan, ay hindi kaylanman tumigil sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa, partikular sa ngayon na ang kundisyon ng ating ekonomiya, ang mga specialized workers, researchers at professionals ay hindi palaging nagbibigay ng pagkakataon at ng halaga ang kanilang kahusayan at propesyonalismo. Ang mga imigrante sa Italya ay kumakatawan bilang mahalagang bahagi ng populasyon, bilang puwersa ng paggawa at pinagmumulan ng mahalagang enerhiya para sa isang lipunang unti-unting tumatanda. Ang poot sa imigrasyon samakatuwid ay dapat ituring na isang pagtanggi sa katotohanan, resulta ng hindi makatwirang takot na karaniwang tema sa mga public debate”.
"Ang imigrasyon ay hindi maiiwasan, samakatuwid dapat itong samahan at gabayan – ayon pa sa Pangulong Napolitano – ng mga angkop na patakaran, at para sa mga dumating sa Italya para magtrabaho ay ibigay ang nararapat na paggalang, bilang pagsunod sa ating batas. Para sa bagong henerasyon ng emigrasyon ng Italya, ang politika ay tumulong makaahon sa ekonomiya, sa pamamagitan ng mga pamumuhunan sa pagbabago (innovations) at researches ay isang mahalagang insentibo upang manatili at para sa mga nasa ibang bansa, upang bumalik sa Italya, na dala pabalik sa bansa ang mga pinagyamang karanasan. Isang bansa na babalik sa paglago, na nais maging isang bukas na bansa sa pamumuhay sibil at isang bansang magbibigay ng pag-asa sa lahat ng mga migrante. Isang Italya – pagtatapos pa ng Pangulo – na aking pinapangarap para sa ating lahat”.