in

Imigrante sa Public Administration, aprubado sa Senado

Diskusyon ukol sa panukalang batas 2013, na magbubukas sa publikong kumpetisyon para sa mga dayuhan, aprubado sa senado. Ngunit ito ay kung mayroon lamang carta di soggiorno. 

Rome – Hulyo 15, 2013 – Nalalapit na ang panahon para sa mga dayuhang manggagawa ang lumahok sa publikong kumpetisyon, na naghahangad na makapag-trabaho bilang guro, doktor o mga empleyado sa munisipyo.
 
Ang Senado noong nakaraang Lunes ay inaprubahan ang panukalang batas na tinatawag na European law 2013 at ngayon ay itataas sa Kamara para aprubahan ng pinal. Ipinagkatiwala sa Policy Committee of European Union na sinimulan kamakailan ang pagsusuri dito. 

Iniangkop ang teksto ng batas ng Italya sa Europa, na iniiwasan o hinahadlangan ang mga violations at bukod dito ay ang ukol sa public hiring at ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga non-EU nationals na carta di soggiorno holders sa mga EU nationals. Samakatwid ay maaari na silang matanggap ng Public Administration, maliban na lamang sa mga posisyon kung saan kailangan ang kapangyarihan o ang pangangalaga sa pambansang interes (hindi samakatuwid, maaaring maging hukom o militar).
 
Partikular, sa Artikulo 7 ng ddl ay may susog na "Pangkalahatang panuntunan ukol sa page-empleyo ng adminsitarsyong publiko (D. lgls.165/2001), kung saan, simula ngayon ay nasasaad na, "ang mga EU nationals ay maaaring magka-pwesto sa public administration na hindi sakop ng direkta o hindi ang kapangyarihang publiko o walang kinalaman sa pangangalaga sa pambansang interes. 
 
Sa panukalang "European law 2013," ay pinalalawak ang posibilidad na ito "sa mga miyembro ng pamilya na hindi EU nationals na nagtataglay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno”. “Gayun din ang mga Third county nationals na mayroong carta di soggiorno o mga mayroong refugee status o international protection”.
 
Sa ngayon ang kulang na lamang ay ang aprubasyon ng Chamber of Deputies. Kamakailan si Michael Bordo, ang pangulo ng Policy Committee of European Union ay binigyang diin na "lahat ng pagsusumikap upang ma-aprubahan bago ang summer vacation, kahit pa napaka taas ng bilang ng mga pending violations laban sa Italya”. 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Calderoli: “Kyenge, orangutan?”

“STOP CHINA’S INVASION OF THE PHILS.” PROTEST RALLY, NAKATAKDANG ISAGAWA SA HULYO 25 SA ROMA