Ang bill ng “European law 2013,” ay nagbubukas ng pagkakaton sa mga imigrante na mayroong carta di soggiorno at mga refugees na magtrabaho sa public offices. Ang teksto, pinirmahan ng Gobyerno ni Monti, ay sinimulan sa mga araw na ito na talakayin sa Pariliamento.
Rome, Mayo 30, 2013 – Mga public competition bubuksan na sa mga dayuhang mayroong carta di soggiorno. Hindi maaaring maging hukom o militar ngunit walang hahadlang upang maging guro, duktor o public employee.
Matapos ang isang bigong pagtatangka sa huling lehislatura, ang Italya ay sumusubok muli upang alisin ang pagbabawal sa mga dayuhan na makapasok sa public administration. Ito ay matagal ng kahilingan ng National Bureau Against Racial Discrimination, ngunit pinabilis ng European Commission ang mga preparatory discussion.
Hindi nakakagulat ang balita na ang nilalaman ng draft ng “European law 2013,” na itinalaga sa Senado sa “Policy committee of EU”, na kinakailangan upang i-angkop ang batas ng Italya sa batas ng Europa. Isang teksto na sa katunayan ay isinulat ng gobyerno ni Monti, ngunit tatahakin ang dalawang panahon ng Parliyamento, dahil sa ngayon sa Palazzo Chigi ay naka-pwesto si Enrico Letta.
Ano ang nilalaman ng bill o disegno di legge? Bukod dito, ang susog sa “Pangkalahatang panuntunan ukol sa organisasyon ng mga empleyado sa public administration” (D. lgls.165/2001), kung saan nasasaad, simula ngayon, “ang mga EU nationals ay maaaring makapasok bilang mga empleyado sa public administration na hindi nauugnay ng direkta o hindi direkta sa public authorities o hindi sumusunod bilang proteksyon sa interes ng bansa. “
Sa bill ng “European law 2013,” ay lumalawak ang posibilidad na ito “sa mga miyembro ng kanilang pamilya na hindi mga EU nationals at nagtataglay ng permanent permit to stay”. Maging ang mga “third country nationals na mayroong EC long term residence permit o bilang refugee o provisory international protection”.
Kung ito ay maa-aprubahan ay maaaring maging isang bangungot ang mga public competition kung saan ang recruitment ng mga guro sa Italian school, ay isinara sa mga dayuhan at itinuring ng hukuman na isang diskriminasyon. Sa ngayon, ay nasa Parliaymento ang kasagutan.