Sa kasalukuyan ayon sa Istat ay mayroong 71 pensioners sa bawat 100 manggagawa. Ngunit kung ang isaalang-alang lamang ay ang mga dayuhang manggagagawa, ang ratio ay 4 sa bawat 100, isang solusyon para sa sistema ng social security.
Rome – Ang demography ay kaaway ng national budget. Ang populasyon ay patuloy ang pagtanda at ang sitwasyon sa trabaho ay palalà dahil sa krisis, patuloy din ang pagtaas o pagdami ng mga pensioners at nagiging lalong mas mahirap ang ipagkaloob ang kaukulang pensyon dahil sa natatanggap na kontirbusyon mula sa mga manggagawa sa Inps.
Ito ay kinumpirma rin ng isang ulat ukol sa Pension na inilathala noong Hunyo ng National Statistics.
Ayon sa Istat, “kung ihahambing ang bilang ng mga pensioners sa populasyong nagtatrabaho, sa taong 2009 sa Italya ay mayroong 71 pensioners sa bawat 100 empleyado. Sa pagitan ng 2001 at 2006 ang ratio ay bumabà mula 74 hanggang 70 pensioners sa bawat 100 empleyado, at nanatili para sa dalawang magkasunod na taon at bahagyang tumaas ng 2009”.
Ngunit kung isasaalang-alang ang bilang ng mga empleyado at mga pensioners na imigrante lamang ang ikokonsidera ay magbabago ang usapan. Lalong magiging mas maayos ang usapan.
Ang Istat ay nagbigay ng isang pangkalahatang bilang lamang, ng walang paghahambing sa pagitan ng mga Italians at mga dayuhan. Ngunit upang makakuha ng ideya kung ano ang tunay na kasalukuyang sitwasyon, ay maaaring suriin ang “Ulat ukol sa mga manggagawang imigrante” na nailathala ilang linggo na ang nakaraan itan ng National Institute of Social Security sa pakikipagtulungan sa Statistical dossier of Immigration ng Caritas/Migrantes.
Sa pag-aaral na ginawa ay tinatayang mayroong 110,000 pensioners na dayuhan sa Italya, sa kabuuang 2,700,000 manggagawang nakarehistro sa INPS. Halos 4 pensioners lamang sa bawat 100 empleyado, isang mas maginhawang kalagayan kumpara sa lumabas na ulat ng Istat ilang araw na ang nakakalipas. Isang mas malungkot na sitwasyon naman para sa budget ng estado kung mula sa kalkulasyon na ito ay i-aawas ang halagang nakalaan sa mga imigrante.
Ang INPS mismo sa isang ulat, ang naghayag sa pagtatapos na ang mga imigrante ay “mahinang consumer ngunit mahalagang contibutor sa sistema ng social security system. Samakatwid ay nagbibigay ng higit sa kanilnag tinatanggap. Mas higit. Sino ang malabo ang mata o bulag na hindi makikita ang mga ito?