Inilahad ni Monti ang kanyang programa sa imigrasyon. “Ang mga New Italians ay isang yaman, hikayatin sila sa kanilang pananatili”.
Roma -15 Pebrero 2013 – Matapos ang pinakitang katahimikan, ang party list ni Monti ay nag-update ng kanilang programa at idinagdag ang ilang mga panukalang inilaan sa mga dayuhan sa Italya. Sa katunayan, sa mga “New Italians”, na itinuturing na yaman ng bansa”, tulad ng mababasa sa Agenda Immigrazione na inilathala ng mga kaalyado ng prime minister.
"Ang cultural, political approach at governance sa huling 15 taon ay naglalarawan sa imigrasyon bilang isang emerhensya at/o ang pagiging problema nito ukol sa seguridad ng bansa. Hindi inisip, binigyang katwiran at pinagkalooban ng isang pang-matagalang uri ng politika na magpapahintulot sa integrasyon ng mga bagong mamamayan na nagbuhat sa 190 mga bansa” , tulad ng mababasa sa Agenda.
Ang krisis sa ekonomiya ay naging hadlang sa pagpasok ng mga dayuhan, ngunit mayroong “di matutukoy na bilang ng mga imigrante” na iniwan ang bansa para sa mas malaking oportunidad sa Europa. Ang Italya, samakatwid, ay tila nawalan ng atraksyon ngunit kinakailangang hikayatin ang pananatili ng mga imigrante na matagal ng naninirahan sa Italya at nakatapos na sa proseso ng integrasyon sa bansa”
Ang unang ipinanukalang reporma sa Agenda ay ang ukol sa pagkakaroon ng italian citizenship, na ibabatay sa ius soli temperato, at tulad ng tawag ni Andrea Riccardi, ang ius soli culturae: “pagbibigay sa mga anak ng imigrante na naninirahan sa hindi bababa sa limang taon at pagbibigay nito sa pagtatapos ng isang scholastic cycle sa sinumang dumating sa Italya ng menor de edad at ang mga ipinanganak sa Italya at nanatili sa bansa ng maigsing panahon”. Para naman sa mga adults, ang citizenship for residency sa panahong itinakda tulad ng ibang batas sa Europa”.
Kinakailangan rin ang "malalim na pagsusri” sa TU o Immigration law. Ang proseso ng pagpasok at pagpapatalsik ay “patuloy ang pagiging hindi epektibo, tulad ng makikita sa periodical regularization”. Samakatwid ay kinakailangang “mapalitan ang sistema sa mga entry quotas”, na mayroong “personalized procedure upang matiyak na ang manggagawang dayuhang papasok ng legal sa bansa na mayroong temporary permit, ay mapatunayan ang pagkakaroon ng trabaho at ng tahanang matutuluyan”. Sa pamamagitan lamang ng makatotohanang paraan ng pagpasok sa bansa ay maaaring labanan ang pagkakaroon ng mga undocumenteds”,
Ang programa ng integrasyon sa bansa ay kinakailangan rin sa “social inclusion, lalong higit ng ikalawang henerasyon, kung saan patungkol ang edukasyon at isang epektibong suporta sa pag-aaral”. Ang public school ay dapat na matiyak ang pagbibigay ng afternoon at evening class para sa mga adults. Ang mga lokal na pamahalaan ay dapat itaguyod ang “isang sistema ng public competition” ukol sa mga proyekto ng paglulunsad ng social inclusion.
Isang mahalagang punto ng programa ay ang " paglahok ng mga imigrante sa pamumuhay sa lipunan at sa pulitika ng bansa", sa pagbibigay ng karapatang bumoto at maging local administrators. Nais kilalanin sa sinumang permanent resident ang karapatang bumoto at iboto sa mga lokal at rehiyonal na halalan."
Para naman sa mga gypsies o mga rom, ang Agenda ay nagmumungkahing manatili sa “Strategia Nazionale di Inclusione”ng pamahalaan ni Monti. Upang labanan ang rasismo at lahat ng uri ng deskriminasyon ay naglalayong bigyang halaga bawat civic at educative experience gayun din ang mas malupit na parusa laban dito sa internet.
Ang pondo upang ipatupad ang mga panukalang ito? Magkakaroon, ayon sa programa, mula sa European fund for Integration and for Refugees (magpupulong sa 2014), gayun din sa Integration fund buhat sa huling Regularization kung saan nagbayad ng kontribusyon ang mga employers at workers.