Bumaba ng 41.7% ang mga dayuhang pumasok sa Italya sa pagitan ng 2007 at 2013, ayon sa Istat sa ulat na “Migrazioni internazionali e interne della popolazione residente”.
Roma – Disyembre 10, 2014 – "Mula noong 2007, ang epekto ngmigrasyon ay naging positibo sa negatibong sitwasyon (o ang panganganak ay mas kakaunti sa pagkamatay) ng bansa, na esklusibong nakatulong naman sa paglaki ng populasyon, kahit na unti-unti na ring nababawasan. Ang patuloy, bagaman paunti ng paunti, na pagpasok ng mga migrante, gayunpaman, ay naging sanhi ng isang progresibong pagdami ng populasyon ng mga dayuhang residente, na nitong Disyemre 2013 ay nagtala ng higit sa 4.9 milyon at kumakatawan sa 7.7% ng kabuuang populasyon”.
Ito ay ayon sa Istat, sa pamamagitan ng “Migrazioni internazionali e interne della popolazione residente in Italia", ang ulat na ginawa sa pamamagitan ng pagbilang ng mga pagpaparehistro at pagkakansela ng mga residente mula sa Anagrafe. Ito ang larawan ng isang bansang hindi lamang bumababà ang bilang ng mga dumadating na dayuhan bagkus ay tumataas ang bilang ng mga Italyanong lumalabas ng Italya.
Ang imigrasyon – ayon sa Istat – mula sa 527,000 noong 2007 sa 307,000 nitong 2013 ay bumaba ng 41.7%. Sa parehong taon ang emigrasyon ay higit sa nadoble, mula sa 51,000 sa 126,000. Kung ihahambing noong 2012 ang pagpapatala mula sa ibang bansa ay nabawasan ng 12.3% habang ang paglipat naman sa ibang bansa ay nadagdagan ng 18.4%.
Nitong2013, sa 307,000 na nagpatala buhat sa ibang bansa, 279,000 ay pawang mga dayuhan. Kahit pa bumabà kumpara sa mga nakaraang taon, ang Italya ay nananatiling paboritong destinasyon. Ang komunidad na maituturing na pinakamalaki ay ang Romanians na kumakatawan sa 58,000 ang mga naitala. Sumunod ang Moroccans (20,000), Chinese (17,000) at Ukranians (13,000). Ang mga naitalang Italians naman na bumabalik buhat sa ibang bansa ay 28,000, mas mababa ng 1,000 kumpara noong 2012.
Noong2013 ay naitala ang pagbabà ng imigrasyon ng 42,000 (-13.2%) kumpara noong unang taon. Ang higit na pagbabà ay naitala sa mga Romanians, mula 82,000 noong 2012 sa 58,000 noong 2013 – isang pagbaba ng 29%. Makabuluhan rin ang pagbabà ng imigrasyon sa mga Ecuadorians (-37%), Ivory Coast (-34%), Macedonia (-26%) at Poland (-24%).