in

Implementing rules and guidelines, lalabas sa Official Gazette ngayong araw

Ilalathala ngayong araw na ito sa Official Gazette ang dekreto na ginawa ng mga Ministries. Naglalaman ng mga mahahalagang indikasyon mula sa sahod ng mga employer hanggang sa pagbabayad ng kontribusyon.

Rome, September 7, 2012 – Ang interministerial decree ukol sa regularization ay ilalathala sa Official Gazette ngayong araw na ito.

Ang teksto, (na lumabas ilang araw na ang draft nito), ay magbibigay linaw ukol sa mga detalye, simula sa paraan ng pagsusumite ng mga aplikasyon online. Ito ay magibibigay rin ng kumpirmasyon na ang pagbabayad ng kontribusyon ng 1,000 euros ay sa pamamagitan ng form ‘f24 – versamenti con elementi identificativi’.

Dito ay nasasaad rin ang sahod ng mga employer, na nag-iiba sa uri ng trabaho – kung domestic job man o hindi. Nasasaad din dito ang mga indikasyon ukol sa pagbabayad ng anim na buwang buwis at kontribusyon upang makumpleto ang proseso ng regularization.

Abangan, matapos ang publikasyon ng dekreto sa akoaypilipino.eu, kasama ang ‘Gabay’ na inihahanda ng ating mga ‘esperti legali’.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mainam na hintayin ang publikasyon ng dekreto bago magbayad ng 1,000 euros

Sinapupunan, sa 69° Mostra del Cinema di Venezia