in

Impormasyon sa telepono ukol sa italian citizenship, hatid ng Ministry of Interior

Ang Department for Civil Liberty and Immigration ay naglunsad ng ‘punto di ascolto’ sa tel number 06/46539591. Sasagot ang mga volunteers ng Civil Service.

 

Rome, Pebrero 5, 2016 – Maaari ba akong mag-aplay ng Italian citizenship? Ano ang mga requirements? Paano sagutan ang aplikasyon? Nasa anong punto na ang aking aplikasyon?

Ito ang mantra ng mga aspiring italians, isang grupo na taun-taon ay padami ng padami ang bilang. Matatandaang mula 30,000 aplikasyon noong 2006 ay umabot sa 101,000 noong 2014, hanggang sa tinatayang 130,000 noong nakaraang taon.

Ito ay naghatid ng presyon sa mga tanggapan ng Ministry of Interior, na hindi napaghandaan ang mabilis na paglaki ng pangangailangan. Kailangang suriin ang libu-libong mga aplikasyon, kasabay nito ang pagbibigay ng mga impormasyon. Bilang pagtugon sa huling nabanggit, ay narito ang tulong buhat sa mga kabataan ng Civil Service.

Ang Interior Ministry sa katunayan ay nag-anunsyo ukol sa paglulunsad ng ‘punto di ascolto’ sa tel number 06/46539591, upang magbigay impormasyon sa mga nais maging Italyano. “Ang mga volunteers ng National Civil Service – tulad ng mababasa sa isang komunikasyon – ay sasagot sa mga tatawag ukol sa Italian citizenship mula lunes hanggang biyernes mula 9:00 ng umaga hanggang alas 13:00 ng tanghali”.

Ang mga boluntaryo ay pinili at sumailalim sa mga pagsasanay sa pamamagitan ng proyektong “Accoglienza e integrazione degli stranieri: il conferimento della cittadinanza italiana”, inilunsad at pinondohan ng Department of Civil Liberty and Immigration. Lahat ay 37 kabataan, kung saan ang 20 ay nasa ‘punto di ascolto’ sa Ministry at ang ibang 17 naman ay hahatiin sa prefecture ng Rome, Bologna, Modena at Reggio Emilia.

Hello Viminale? Tandaan ang tel number at tumawag sa mga oras na nabanggit sa itaas. Marahil ay higit na mapalad kaysa sa amin na hindi maka-contact kaninang umaga pa. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bilang ng menor de edad na Pilipino sa Italya 36,719

Permesso lavoro stagionale, maaaring i-convert sa permesso lavoro subordinato?