in

“Inaasahan ang halos 500,000 aplikasyon sa nalalapit na Sanatoria 2012” – Sportello dei Diritti

"Ibigay ang permit to stay ng isang taon sa lahat ng mga iligal na dayuhan”

Roma, Hulyo 30, 2012-2012 – Ang Sanatoria 2012 ay nagpapahintulot sa regularization ng 40,000 imigrante at inaasahan ang 500,000 aplikasyon”.

Ito ang kumpirmasyon mula sa asosasyon ng “Sportello dei Diritti”na bukod sa pagpapaalala sa mga kinauukulan na magmadali dahil ang mga aplikasyon ay maaaring isumite simula Sept 15 hanggang Oct 15 lamang, ay inihayag din ang kahilingang ipagkaloob ang “one year permit to stay sa lahat ng mga irregular immigrants sa bansa”.  

Si Giovanni  D'Agata, ang founder ng ''Sportello dei Diritti'' ay inilabas ang tunay na bahagi ng pangangailangan at mga layunin'- tulad ng mababasa sa isang komunikasyon – ang panukala ng president ng Commission ng CEI para sa imigrasyon at Migrantes Foundation Monsignor Bruno Schettino'' na mabigyan ng one year permit to stay ang lahat ng mga irregulars, upang makalabas sa pagiging ‘clandestines’, upang makahanap ng mahusay at regular na trabaho at makapasok sa merkado, at makabahagi sa mga Demand and Supply.

"Ang tunay na problema ay ang illegal immigration – sabi niya – at dito nagbubuhat ang mga alitan at pagiging salungatan ng mga Italians. Ang pagkakataong ito – dagdag pa ni Monsignor  Schettino – ay dapat na ibinigay sa lahat ng mga hindi nagkaroon ng anumang krimen, na nagnanais na manatili sa ating bansa, at alam, kahit kaunti, ang nilalaman ng Konstitusyon at kilala ang wikang Italyano.''

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tulong pinansyal sa mga disable, matatanggap din ba ng mga imigrante?

“Itinago sa akin ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng aking anak” – Jacquiline