in

Inasam ang permit to stay, order of expulsion ang tinanggap

Libo-libong mga North Africans ang nagtungo sa Immigration Office sa Roma sa paniniwalang maaaring ma-regularized ang mga ito. Kasalukuyang iniimbestigahan ang Forum delle Comunità Straniere in Italia: isang panloloko o maling pagkakaunawa?

altRoma – Marso 22, 2012 – Ang hukuman ang magpapasya kung ito ay isang maling pagkakaunawa o isang uri ng panloloko, samantala ang bali-balita ay patuloy na nakaka-biktima sa Roma. Kahapon sa Immigration Office sa Via Teofilo Patini ay nagtungo ang 1,150 Tunisians upang humingi ng permit to stay, ngunit karamihan sa mga ito ay order of expulsion ang natanggap. Martes ay 490 ang dumating, Lunes ay 980 at ang iba pang 500 ay dumating noong nakraang Sabado at Linggo.

Lahat ay kinilala, at ang ilan ay nabigyan ng order of expulsion, ang ilan naman ay ang pananatili sa CIE sa Ponte Galeria, samantala ang iba naman ay inatasang mag-report sa ilang police station. Ang mga minors ay dinala lahat sa centri di accoglienza habang ang dalawang nagdadalang tao naman ay binigyan ng awtorisasyon upang manatili sa bansa.

Ang mga North Africans ay tila ni-report ang mga sarili dala ang declaration buhat sa “Forum delle Comunità straniere in Italia”, matapos ang pagbabayad ng membership fee ng 20 euros. Isang dokumento na inaasahan ng mga imigrante na magbibigay sa kanila ng humanitarian permit to stay.

Ngayon ay kailangang maunawaan kung ang asosasyon ay nangako ng isang bagay na imposible tulad ng regularization o isang simpleng pag-proseso lamang ng mga dokumentasyon na mabilis at maling kumalat na balita na naging dahilan ng pagsugod ng mga North Africans sa Roma. Ang tanggapan ng imigrasyon ay naghain sa hukuman ng dalawang sitwasyon: ang krimen ng aiding and abetting of illigal migration at iligal na pananatili sa bansang Italya at pandaraya, tulad ng ilang mga dayuhan na naghain na ng reklamo.

” Karamihan sa kanila ay  humihingi ng permit to stay at hindi asylum, karamihan ay mga iligal na nasa Italya na ng ilang taon, ay mayroon din sa kanila na nabigyan na ng order of expulsion sa nakaraan”, paliwanag ng Maurizio Improta ang Head ng Immigration Office sa Roma. “Ang pasimuno nito ay naghatid ng gulo at sinamantala ang pangangailangan ng mga dayuhan na mabilis na nagtungo sa Roma para sa isang regularization”.

Samantala, ang Forum delle Comunita’ straniere in Italia ay binalaan sa paggawa ng mga declaration. Sa katunayan sa website ng forum ay matatagpuan ang: Sa kahilingan ng mga alagad ng batas ay ipinapaalam na sa kasalukuyan ay hindi maaaring magbigay ng mga permit to stay o ilang dokumento ng kahintulad nito para sa mga dayuhang hindi regular at walang batas ang nagpapahintulot dito. At samakatuwid ay walang pagbabatayan at walang anumang pagpapatunay sa balita sa pagbibigay ng anumang dokumento para sa regularization”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Filipino inaanyayahang makiisa sa Earth Hour

“Kami sa Lega Nord mga rasista dahil hiningi ng pagkakataon”